Tuesday, October 28, 2008

LSCS DB Tutorial/ Roll the Dice/ COSCA-HSM3 10/24/08




marami na naman ako ginawa for this whole day

/************LSCS Connect ka DB? Tutorial********************/
-bali dapat pupunta ako sa formdev outreach, kaso sabi ni miss remi kailangan daw pumunta kami sa INTRODB tutorial ng LSCS para dagdag 3 points daw sa depex2.. hehe..

konti lang din pumunta, pero marami na rin kami natutunan kahit sandali lang..
tinuro kasi pano iconnect yung MYSQL sa NetBeans, magagamit kasi yun sa MP..
(*sorry for Non-CCS people who will be reading this, wag niyo na alamin yun.. wahahaha..)

/*****************LSCS Roll the Dice**********************/
-ok mahaba kwento ko dito...kasi ganito nangyari..
(im warning you.. dont dare to read this, unless wala talaga kayu ginagawa..wahahaha)

so basically, roll the dice is a chinese tradition in which you will win a prize depending on the combination you have got by rolling 6 dice.. the higher the combination, the higher the prize..

so nung una dapat makabenta kami ng 2 tix each person..
kaso mga 2hours ata before the activity hindi ko pa rin nabenta yung tix ko..
pero nung bandang last1 hour at last min before ng activity, nabenta ko yung 2 tix..
tapos yung nabentahan ko me gagawin sila so ako daw maglaro..
nainggit ako kasi parang walang kwenta kung hindi naman sa akin mapupunta yung prize, so bumili pa rin ako ng sarili kong ticket...
so i got 3 tix in play...

ang rule kasi kung sino pinakamatass per table, maglalaban for the 'finals' for the ipod touch... pero there are still minor prizes per table(foods, usb, GC, ballpens and others)..
basta tulo tuloy lang yung laro hangang maubos yung mga prizes sa table..

so naglaro ako sa first game(with 3 tix)
i got 2 ballpens, a choco mucho, and a juice para dun sa 2 tix na pinapalaro sa akin..
tapos yung sa akin naman i only got a nagaraya for myself..
tapos ang nangyari medyo banda dulo ng game, i got the highest score dun sa table so im qualified for the finals...

dahil natuwa ako that time, at naghihinayang ako na nagaraya lang nakuha ko sa first game, tapos sinabi pa nila kuya joseph na if ever ako ulit yung highest dun sa 2nd game ko, i have 2 chances of winning the itouch..
so ayun i played another game(so bali gumastos na ako ng 300 for the 2 tix-150 each kasi.. hayyy)

so sa second game, i got an oreo, choco mucho, tapos yung isa pang chocolate bar, tapos mineski internet shop na parang membership card,
pero ayun hindi ko naman nakuha yung highest..

so finals na.. 6 kami nakapasok sa finals..
so ang rule kung sino makakuha ng highest combination, magroll ulit ng dice ulit ng isang ikot yung ibang players, tapos dapat mataasan ng ibang players yung current na mataas, kung hindi sa kanya na yung itouch..

so ganito nangyari..
so halos 5 ikot na wala pa rin nakakakuha ng tamang combination..
until i rolled the combination na mataas.. 4 na dice na 4 yung number.. isang dice na #1.. isang dice na #2..
so medyo natuwa ako syempre.. so isang ikot, pag wala makatalo sa akin, akin na yung itouch..

eh ang nagyari, si ate eunice, also an avp socio civic, yung kasunod ko, got the 2nd to the highest combination ng dice.. 5 na dice na #5, at isang #1..
so isang ikot ulit, eh kaso wala nakatalo, so she got the itouch..

huhuhu... :((
ang balak ko kasi if evr manalo ako nun,
ibenta ko yun para madagdag sa ipon ko in buying a DSLR(camera) and/or pambayad ng tuition ko kasi hindi ko pa nababayaran yung 40% ng tuition ko until now!!! :(( :(( :((
(nako patay talaga ako next week.. hindi na naman ako papasukin ng dlsu..
kasi sabi nila hangang katapusan(oct 31) na lang daw pwede magbayad ng 40%
so wag kayu magtaka paghindi niyo ako nakita next week sa school...)
*actually fasting din ako kanina kasi wala daw pera mama ko para sa allowance ko that day.. grabe kung baon lang wala na, pano pa kaya tuition.. huhu..

pero ive learned something, kung hindi para talaga sa iyo, wag mo ng pilitin..
ewan ko pero parang "sugal" din kasi yun,eh.. (*sorry, wala ako maisip na term)
parang you will win by chance lang..
siguro its one way of God telling to me na magtrabaho ka na lang kaysa umasa sa mga ganyan..
magtratrabaho na lang ako siguro ng maigi sa shirts namin.. hayyyy...

pero nandun pa rin yung feeling na nanghihinayang ako kahit papano..
ah no.. erase.. erase..
tapos na yun.. PERIOD.


/***************COSCA Clean-up****************/
-so naglabas na lang ako ng sama ng loob sa COSCA office.. jokes lang.. ahahaha..
general clean up that day, grabe dami kalat sobra.. SOBRA..

/****************COSCA-HSM3*****************/
-after ng cleanup nagmeeting lang yung mga vols, tapos nanood kami ng HSM3 sa RP! :)
for those na hindi pa nakakapanood, i think you should watch it..
mas maganda siya sa HSM 2 promise.. SOBRA..
pero siguro mas maganda pa rin yung HSM1 kahit papano..

kung irarate sila.. 1stna pinakamaganda HSM1.. 2nd-HSM3.. 3rd-HSM2..
maganda yung setup kasi ng HSM3, as in musical talaga yung dating..
kaso siguro yung mas maganda pa rin yung kanta ng HSM1 kaysa sa HSM3..

basta watch it na lang, kayu bahala magjudge.. hehe..

*nako nagaaddict na naman ako sa HSM.. im listening to HSM3 songs recently.. tapos pinalitan ko pa yung wallpaper ko ngaun sa HSM3.. wahahaha..

3 comments:

  1. nice bLog! its interesting. thank you for sharing.... wooden dice box

    ReplyDelete
  2. I am really enjoying reading your well written articles. It looks like you spend a lot of effort and time on your blog. I have bookmarked it and I am looking forward to reading new articles. Keep up the good work. dice case

    ReplyDelete