Friday, January 30, 2009

UNO Seafood Wharf (kasama si Pres Gloria! san ka pa..) 01/26/09




so nagkaroon ulit kami ng reunion kasama yung mga kapatid ng mom ko pati nung mga pinsan ko.. it was chinese new year day din..

tapos hindi namin expected na yung restaurant na kinainan namin meron ding kainan yung mga government officials(senators, congressmen, at iba)

medyo nauna na yung mom ko dumating dun kasi me class pa ako that time.
pagbaba ko ng lrt carriedo station nakita ko yung abs-cbn sa me sta.cruz..
kahit marami tao nagtapang ako maglabas ng camera..

tap[os diretso na dun sa restaurant
hindi pa ako nakakapasok dun sa restaurant, nakita ko agad si manny villar... edi yun labas ulit agad ng cam at shoot..

tapos ayun sunod sunod dumating yung mga sasakyan na me "8" yung plate number meaning mga "congressmen" vehicles..

yung papapsok na ako sa restaurant, chineck ng mga PSG(Presidential Security Group) yung camera ko, tapos nilagyan nila ng tag.. tapos tinanong nila.."sir tagasaang media po kayu?" kasi ba naman that time nakajacket ako na mukhang journalist talaga.. ahahahaha..

tapos nung paalis na kami dumating si pres gloria, yung una hindi ako makakuha ng magandang spot kay pres gloria nung pagdating ng sasakyan niya.. kasi super bilis ng pangyayari, pumasok siya bigla.. kaya sunod naman yung ibang photographers eh ako ayoko na sumunod, tapos biglang bumalik si president dun sa harap para magwave sa mga tao..

basta to make the long story short, i got a good shot of the president at talo ko yung 4 na professional photographers.. wahahahaha...
tumakbo kasi yung apat na photohrapher dun sa spot ko..
kaso pagdating nila, bumalik na ulit papasok si gloria sa restaurant.. kaya yun wala na.. :))

isa pang nakakatuwa that evening..
kasi yung mga tao pinapatabi sa gilid tapos ako at yung mga ibang press photographers nandun sa me gitna.. tapos hindi kami(especially ako) pinapansin ng mga PSG guards.. woohooo! ang sarap talaga na me DSLR.. kasi yung iba dun me digicam naman pero pinapalayo.. the fact na meron din namang PSG tag yung cameras nila.. :))

kulang na lang talaga siguro magpress na ako.. :P
iniisip ko nga sali ako sa the lasallian o kaya sa plaridel..
kaso kakatapos lang ata recrutement nila
naiinggit kasi ako, gusto ko rin ng Press ID..



*anyway, medyo sikat din nga pala pics ko ngaun.. hehe..
napublish yung mga pics ko sa Manila Bulletin nung monday(Jan26)
pics siya nung For the Kids.. tapos hindi siya pic.. as in picS.. 3 pics na 1 half ng isang buong page ng newspaper..
dun siya sa me parang schools and university section..
kung meron kayu copy ng manila bulletin, pde akin na lang, i need it DESPERATELY.. salamat..

5 comments:

  1. partida, nakaheels na si presidente maliit parin =))

    ReplyDelete
  2. ito yung PSG tag na sinsabi ko.. natutuwa ako sa kanya sobra.. parang kasi im authorized to take pictures of the president and other government officials

    ReplyDelete
  3. parehas kayu ng comment ng kapatid ko.. lol.. :))
    tapos natuwa din siya dun sa red shoes ni president..

    ReplyDelete