Grabe super duper panic mode na talaga ako!!! as the days passes by, imbis na pakonti ng pakonti yung gagawin ko, actually padami siya ng padami.. puro na lang problema!!! >_<
Halos lahat ng subjects ko meron kailangan gawin.. (actually hindi halos, talagang lahat).Kung makita nyo lang yung planner ko at yung mga things to do list ko, ito makikita nyo..
1. Compro2 MP(Machine Project)
2. Tredone presentation
3. Tredone scrapbook
4. Englcom argumentative draft
5. Disctru case study
6. Disctru depex
7. Fwteams sportsfest
8. formdev finals
9. formdev workbook
10. cwts term end paper
11. FINALS WEEK!!!
Tapos hindi lang acads ang pinoproblema ko, pati din sa church namin. Interyouth fellowship sa Sunday na nakalimutan ko na talaga. Tapos aral pa ako lesson para sa Sunday school>> Bible teacher kasi ako T_T tapos meron pa problema dun sa youth org namin.. tapos ayusin ko pa yung resignation ko as president ng youth org naming sa church.. kasi there some problems that occur T_T
Tapos hindi lang din acads at church ang problems ko ngaun.. pati na rin yung mga gagawin ko this summer and next school year.. camps, enrollments, tapos hindi ko na naman alam kung makakapasok na naman ako next school year kasi super gipit na naman kami ngaun, kaya nga inaasikaso ko rin ngaun yung sa scaf (student council assistance fund) ko. Loan siya for dlsu students with 0% interest.. tapos iniisip ko pa rin kung ano rin gagawin ko next school year na activities. Ang dami kasing nagoofer na magofficer daw ako sa kung ano anong org, recently nga is yung sa GK na coordinator daw.. @_@ actually, another problem pa kasi hindi pa ako nacleclear sa clinic ng dlsu, kasi me nakita na something bukol sa may bandang lungs ko, na possible daw na tuberculosis pa! eh pero nagtataka din kami kasi yung pumasok ako sa dlsu meron nay un, hindi naman pinansin ng doctor dati.. iniisip nga rin ng mama ko baka daw naninigarilyo na daw ako! Eh pano mangyayari yun eh ayaw na ayaw ko nga sa amoy ng yosi..
Super duper stress na talaga ako… natutulog ako this past few days na puro na lang 12am at 1am paminsan hangang 230am pa para lang matapos lang ito! Ang ginagawa ko pa nga this week dun na ako nagcocomputer sa dlsu computer lab kasi pagdito ako sa bahay, maraming maingay at temptations na hindi ka makakaconcentrate. Another thing na nanghihinala sa kin yung mama ko kung bakit na lang daw ako parati late umuwi baka daw me girlfriend na daw ako.. wah?! Eh ayoko nga pa nga magkaroon ng relationship eh! @_@ tapos ano yun ang dami ko na nga gagawin tapos sasabay ko pa yun if evr?!
Siguro talagang hindi lang ako sanay sa ganitong situation. Kasi nga I came from a homeschooling environment for almost 6 years tapos syempre parang culture shock din ako sa ganitong situation. Actually talaga sa sobrang stress ko last Sunday, napaiyak talaga ako. Gulat din nga yng mama ko kung bakit ako umiiyak that time… :(( pero ano ba magagawa ko, this is the reality, this is college life. Kahit nga mag1year na ako sa college, feeling ko hindi pa rin ako adjusted to this kind of situation. Tapos super hina rin ako sa time management.. waaaah…
Hay nako di ko rin alam na the fact ang dami ko pa rin gagawin nagsusulat pa rin ako nitong blog na ito. Super mix emotions talaga ako ngaun.. naiinis tapos stress ka pa tapos yung state na hindi mo na alam yung gagawin mo! Yun nga alamang panic na lang ako sa isang tabi.. mas lalo ako walang maaacomplish nun!.. naiinis din ako sa sarili ko kasi pano ba naman ito lang yung tendency sa kin, pagkonti lang yung gagawin masipag ako sobra, pero kung alam ko na marami pa akong dapat gawin, super tinatamad ako.. super baliktad talaga utak ko.
Honestly hindi na rin ako nakakaquiet time recently and have time to pray. Pero sakto nung isang araw there is a verse there na saktong pinapatama na naman sa kin. Psalm 94:19 which states that “IN the multitude of my anxieties within me, your comforts delight my soul.” Yung interpretation pa is there will be anxieties that will add one to another and they are multiplying faster than we could count. Pero sabi that God is really acknowledging that we are humans and that God will delight our soulin the midst of turmoil. Ouch na naman.. tama nga naman, hindi ka mauubusan talaga ng problema kung hindi madadagdagan parati ito.
Actually, ineexpect ko na talaga na magcollapse ako anytime this week sa mga pinagagawa ko. Yun nga hindi ko na talaga naiisip yung health ko puro na lang aral aral aral… matapos lang talaga itong last 2 weeks na ito, makakahinga na ako.. hay ayoko na rin bumagsak ulit kung hindi supper papatayin na talaga ako ng parents ko.. oh nohhh!!!! L