Sunday, March 22, 2009

Mini Rainbow sa Brokeback Mountain




alam niyo ba kung saan yung brokeback mountain???
yun yung octopus garden.. :))
hindi ko naalala kung sino nagpasimuno ng term na yun.. si ernest ata,..
kasi ba naman merong dalawang brother na statue dun na parang brokeback..

anyway, ayun papasok pa lang ako nun, when i saw the mini rainbow..
walang nakaktuwa lang siya..
paghindi niyo pala napansin its on the right side..;)



Beware: Lasalle Pedicab Drivers?!

siguro naman nareceive niyo itong message na ito sa YM..

"Please be aware and cautious of pedicab drivers staying on the U.M. Side. Just this saturday, March 21, a la salle female student was raped and robbed by suspected "HALAY-NAKAW GANG" posing as pedicab drivers with tatoo marks on their chins with a ( Tks ) mark. That is their gang mark. Please pass to the Lasallian community. . ."

I'm not sure kung totoo nga ito..
pero sa mga sumasakay ng pedicab diyan, 
ewan ko kung napapansin niyo meron kasi mga pedicab na merong sticker ng Task-Force Safe School.. yun yung mga pedicab drivers na approved by the police and Lasalle security..

tapos next niyo gawin pagnakita niyo me sticker.. tignan niyo yung baba ng pedicab driver kung me tatoo! lolz.... :))

so mas mabuti na maging maingat, kundi baka maya kayu susunod na biktima(kung totoo man yun).. :P

Kakalokong kalkolos == Cacalucung Calculus

hay nako.. 
hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nga ba merong calculus sa CCS.. 
hindi lang sa CCS, as in hindi ko maintindihan bakit inembento yung calculus sa mundo..
waaaaahhhh..

eh ano naman kung malaman mo yung limit at derivative ng isang equation?
pano mo gagamitin yun sa pangarawaraw na buhay?
waaaaahhhh..


sana kung ganito..
"kuya sandie, pabili po ng choco mucho? magkano po ba yan?"
"ah, mura lang yan.. yan yung 4th derivative ng 1/4(x^4) - 2/3(x^3) + 5/2(x^2) - 3x + 7.."
waaaaahhhh.. 


kasi ba naman imbis na nakakatulong siya sa tao, PAHAMAK lang talaga ang CALCULUS sa buhay ng tao.. as in yung matatalino sa amin sa CCS, mga super galing sa programming, bigla na lang babagsak sa calculus.. tapos marami din kami mga higher batch na hindi pa nagtatake o hindi pa ulit nagtatake ng calculus.. kasi super hirap.. waaaaahhhh..


one problem din siguro sa akin kasi wala kami calculus nung HS.. tapos dagdagan mo pa yung fact na homeschool ako.. alge pa nga lang hirap na ako,eh calculus pa kaya..
waaaaahhhh..


actually, tinry ko magCalculus nung previous term, kaso Reyes..
sabi ko ill take it as a challenge at tutuloy ako..
pero ayun wala din, kinabahan na ako nung first quiz hindi na ako nagtake at dnirop ko na siya..
tapos ngaun Pascasio naman, super galing niya, mabait pa..
kaso wala din mukhang babagsak din ako sa kanya..
what more kung LOTR pa yun di ba?!
waaaaahhhh..


sinabi ko na ito sa formdev bs namin,eh.. *BS==Bible Study
pagbumagsak talaga ako ng ccscal1 ko this term, its either magstop muna ako magFormdev o kaya totally magstop na ako maging formdev faci..
kasi naalala ko yung sinabi ni doc sison na dapat daw yung mga faci hindi bumabagsak..
sayang din.. kasi 0 accumulated failed units ako ngaun.. so pagnangyari yun.. yung 0 magiging 3..
waaaaahhhh.


promise naiinis na ako sa kanya..
katulad ngaun imbis na nandun ako ngaun sa glorietta kasama yung HS friends ko kasi bday ng kaklase ko, andito nag mumokmok sa bahay.. nagaaral ng calculus at quiz3 na namin bukas.. waaaaahhhh..


hay nako, BAHALA na..
waaaaahhhh..

 
CALCULUS == BUWISHET.
waaaaahhhh..


Tuesday, March 17, 2009

iChoose CHOPSUEY: General Elections 2k9

*before anything else, i want to clarify myself that i am nonPartisan..

im neither tapat nor santugon, hindi gaya nung dating GE sinsabi ko na im both tapat at santugon.. ngaun hindi na both..

 

Ok, General Elections na naman sa buong DLSU..

kaliwat kanan na naman ang mga RTR.. *RTR==room-to-room

promise na LSS na ako sa RTR nila.. @_@

yellow, blue, red, black, orange na naman nakikita kong kulay for the past days..

 

hay nako..

ang pulitika hindi lang talaga makikita sa ating gobyerno..

pati na rin mismo sa ating pamantasan.. *uy, lalim.. :P

kahit ata hangang sa trabaho me pulitika..

pati nga sa simbahan, pulitika pa rin..

hay nako..

 

anyway, I remember blogging about the SC General Elections last year. 

Kinalkal ko yung blog archive ko at nakita ko siya… 

Now im reposting it… 

This was my own set of guidelines in voting the right candidate for the right position. 

I added, deleted and edited some of it already, but the whole blog can be read here… http://laboh.multiply.com/journal/item/34/Make_a_Wise_Choice hindi na kasi appropriate yung ibang nilagay ko dun ngaun..

 

 

/*start*/

1. I AM A CANDIDATE VOTER AND NOT A PARTY VOTER

Sinsabi nila parati vote derecho or straight. The benefits of voting straight or derecho is that pagsamasama sila mas madali makagaw ng mga projects, whereas kung halo, tapos kunwari nagpropose ng project yung isa, then kokontrahin naman ng isang candidate kung bakit pa kailangan gawin yung project na yun na hindi naman kailangan. Pero I voted the candidate and not for the party kasi for the following reason below//

 

2. I WILL VOTE FOR THE CANDIDATE’S OWN PERSPECTIVE AND NOT OF THE PARTY’S OWN BELIEFS AND PLATFORMS

Paminsan kasi  kahit sabihin mo maganda yung platform ng isang party, pero bigla naman walang kwenta yung candidate nila, then why should you then vote for him/her? Kasi mga candidates paminsan nagcompromise sila sa beliefs ng isang party, kahit na labag yun sa sarili nilang perspective. And besides kung magbase kayu sa platform, hay naku, ill tell you kulang ang isang year para magawa nila lahat yun. There is a possibility then na panget nga yung platform pero tama naman yung thinking ng candidate na yun sa isang situation, why not vote for him and her?

 

3. I WILL VOTE FOR THE CANDIDATE WHO IS RESPONSIBLE ENOUGH

I’ve been a Batch Assembly officer for 2 years already(even though hindi lang talaga ako active for the past terms, especially this term), so I know some of the persons around the DLSU-Student Council which is really an advantage for me. I know how they work and who is the responsible and deserving enough to be voted. Hindi lang responsible enough sa trabaho niya, but also sa academics niya. Hindi naman ito one of the major qualities na gusto ko sa isang candidate, iba kasi talaga yung person na kaya pagsabayin ang activities at academics niya. Di ba? 

 

4. I WILLVOTE FOR THE CANDIDATE WHO CAN MAKE A CHANGE

I’ll vote a candidate who doesn’t only do projects that is only for short term purposes, but candidates who can make a difference hindi lang for a term but also until matapos yung term nila. Alam mo yun yung mga taong that leaves a great legacy behind that all persons can remember, and what they do is something can benefit the current students and also the next generation.

 

 

5. I WILL VOTE FOR THE CANDIDATE WHO DOESN’T STOP PURSUING THEIR GOALS EVEN THEY LOSE

I’ll vote for the person na hindi sumusuko kahit talo na siya. Kasi yung mga natalo dati ano ginagawa ngaun. Ayun talo nga sila, kaya relax relax sa tabi tabi.. hayyy.. Sabi nga dati ng Comelec, hindi mo kailangan magkaroon ng position to make a change, you as a simple student can do it.

 

 

6.I WILL VOTE FOR THE CANDIDATE NA HINDI NANINIRA NG IBANG KAMPO

Naiinis talaga ako sa mga candidates na naninira ng kambilang kampo. Hayaann niyo na nga lang yung kabila. Kaysa magtirihan kayu sa philosophies ng bawat partido, manahimik na lang kayu. Lahat naman ng mga tao have their own strengths and weaknesses, kaya wag na kayu magyabang na mas magaling  kayu sa kabila!

 

 

7. I WILL VOTE FOR THE CANDIDATE WHO DOES WANT TO SERVE THE STUDENTS

I want leaders who know what servant leadership is. It means that he /she wants really to serve the students and not just for resume purposes lang. I want a person who is always ready to help some when they need something and a person who is approachable.

 

 

Kaya SURIIN MABUTI ang bawat kandidato, at wag basta MAGPALOKO!

 

actually, meron na rin ako bets ngaun, and it is CHOPSUEY, meaning hindi staright or dereco vote.. i have already 4 chosen EB(Executive board) out of 6.. and mga 3 out of 5 college reps(including CAP).. pero it still might change as the days go by..

 

Anyway,another quotation from my old blog..

If you don’t vote, you have no right na magreklamo kung magkaroon ng problem and tayu rin maapektuhan nito eventually. Kung wala talaga kayu gusto iiboto magabstain na lang kayu, para ipakita niyo sa knila na walang sa mga candidates ang really deserving.

 

Kaya dapat make a wise choice at huwag magpaloko sa kung anong pinagsasabi ng 2 kampo. Kasi pamisan puro na lang salita ant pangako, kulang naman sa gawa!

 

Sana maging maayos at peaceful na lang ang buong election hangang maproclaim yung winners. Kung talo, tangapin na lang at huwag na magreklamo!

 

God bless sa lahat ng candidates! :)

Sunday, March 15, 2009

Dynamic LSCS Leadership Seminar 03/14/09




LSCS DLL seminar with speaker kuya xtian!
kala ko late na ako kasi nagjeep lang ako at sobrang trafic sa may PGH..
mga 3pm na ako nakadating, pero sakto din pala dating ko..

ok tuloy tuloy rin ang b/w photography hangang hapon..
used also ricco's 70-200mm 2.8 telephoto dito.. :)

Farmer Visit @ Hospico De San Jose 03/14/09




pumunta kami nina kuya reden, mark, at val sa Hospicio para bisitahin ang mga kapatid natin na magsasaka na nais isulong ang CARPER Bill..

konti na lang sila ngaun mga 25 na lang daw silang magsasaka..
18 from Calatagan, and some from Sumilao at Banasi farmers..

yung iba babalik na lang daw sa April 13 para sa susunod na session ng ating Congreso, dun kasi malalaman kung maisusulong ba ang CARPER Bill..

Nagkaroon lang kami ng kuwentuhan, pati yung mga ghost story nila dun sa Hospicio..
yung Hospicio kasi isa siyang island na malapit sa me MalacaƱang.. sa me Ayala Bridge na malapit din sa SM Manila..
its a 200 year old orphanage.. @_@
first time ko lang din nakapunta dun, pero ilang beses ko na rin kasi yun dinadaanan..

sakto pa nagblack and white photography din ako dun, nagbabakasakali na meron ding "someone" na magpakita sa pic.. hehe..

CWTS Last Deployment 03/14/09




wheeeeeee!!! last day na ng cwts deployment for this term..

tinry ko lang magblack and white photography..
ayun nagadik na ako buong araw.. wahahahaha!

*ang labo ng camera ko, pagtingin ko sa camera ok lang naman..
pero pagupload dito sa comp.. parang puro overexposed.. @_@