Showing posts with label carper. Show all posts
Showing posts with label carper. Show all posts

Wednesday, April 15, 2009

Farmers @ Senate 04/13/09




april 13..
ang pagbubukas mulit ng sesyon ng senado at ng kongreso..

dito malalaman kung ano na nga ba ang mangyayari sa CARPER Bill na sinusulong ng ating mga kapatid na magsasaka..

kaya pumunta sila sa senado upang manawagan sa ating mga senador na ipatupad na ang CARPER Bill..


so me, irish, mark, val, at si kuya reden ay pumunta dun sa senado upang suportahan sila.
its my first time also to go there..
grabe, nakakatakot talaga yung mga sundalo na nagbabantay din sa senado..
as in pagpasok pa lang namin sa gate..
tinanong kami agad kung ano purpose ng pagpunta namin dun..
tapos kung ano ano na mga questions yung tinatanong..
"ano yung CARPER"
"ano ibig sabihin ng KAISAKA"
tapos ang dami pa..
basta kinakabahan ako sa kanila, parang paghindi mo na sagot tanong dedoks ka na.. tapos parang iniinterrogate ka nila something..

i didn't also expect many things that day:
1. kala ko dadating na rin yung ibang mga farmers na galing sa province, kasi yung nandun lang is yung mga nagstay dito sa manila

2. so kala tuloy me "gera" na mangyayari.. parang rally na pipigilan ng mga pulis.. yung mga katulad sa tv ngaun.. pero wala naman pinayagan naman sila, buti na lang..

3. that day imbis na photojourn yung nangyari, PHOTOSHOOT yung nangyari.. pambihira yung mga ibang photographers pinapuwesto sila sa isang sulok, sa me likod ng barbed wire.. tapos sabi nila.. "o pwesto kayu ganyan ganito".. "tapos sigaw kayu malakas".. ano sila MODEL?! hindi ko alam kung parating ganun ginagawa ng mga photographers every time me rally dun sa senado or saan mang place.. pambihira parang nawala kasi yung essence ng pagrarally nila..

anyway, here is some of the pictures that i took sa "photoshoot" nila.. @_@




















uu nga pala, iniba ko rin yung watermark ko ngaun, mas simple na siya di gaya ng dati.. what do you think? ok lang ba?

pasayo kasi yung watermark ko dati.. hahaha

Monday, March 30, 2009

CARPER Booth 03/26/09




some random shots sa CARPER signature campaign booth sa me SJ walk, kung hindi pa kayu nakasign punta lang kayu dun.. alam ko meron pa hangang ngaun..

Sunday, March 22, 2009

CARPER RTR Campaign 03/21/09




so nagRTR kami or room-to-room campaign with the calatagan and sumilao farmers sa mga CWTS classes to explain to the students what the CARPER Bill is and to get support through signature campaign..

ayun medyo fresh pa kasi pa rin yung tapat/santugon campaign..
so gumawa din kami ng sariling version..
ito nga yung script ko.. *na me kasamang panggugulat sa mga students.. :P
"Good morning CWTS students! Hindi ako tagaTapat, hindi rin ako tagaSantugon. I'm Andrew Pamorada, your COSCA LOVE Volunteer! Nandito kami ngayun kasama ng mga magsasaka mula sa Calatagan upang ipaliwanag sa inyo kung ano nga ba ang CARPER Bill..." lolz... :P

actually dapat pupunta lang ako dun sa mga CWTS na pangumagang classes,
pero antuwa ako kaya tinuloytulyo ko na hangang hapon. Ayun medyo nawalan konti ng boses sa kakasigaw.. :))

Lupang Hinarang 03/28/09




Lupang Hinarang, made by Ms. Ditsy Carolino, is a documentary film of the the different farmers fighting for their land. So far hindi pa daw siya tapos talaga, but yung nagawa pa lang is a 2-part story of the farmers from Sumilao and Negros.

grabe, super hirap pala talaga yung dinanas nila. Some of them have a hunger strike for 29 days. 29 days walang kainan, tubig lang na may halong asin. Dalawang araw nga lang hindi ko na kaya 1 month pa kaya ng walang kainan?! @_@

There is also one part of the story yung sa mga farmers na tagaNegros. Dun super grabe yung nangyayari sa kanila. Nagrant na sa mga farmers yung land nila pero still yung landowner, Robert Cuenca ata yun, which is also a relative ata of the Arroyos, ayun pinagbabaril sila ng parang wala lang. Bakit ba ganon kasugapa ang mga tao?!

We didnt also expect that day na mapupuno yung buong Andrew Auditorium(A1801). Sabi nga namin dapat pala Yuchengco na lang kami.. :))

Please continue to support the farmers. This week magkakaroon ulit ng signature campaign sa Central Plaza starting Tue. To give you an idea they need 1.3 million signatures para makatulong mapasa yung Carper Bill, pero so far 15,000 pa lang nakukuha nilang signatures. Kahit siguro magsign lahat ng 12000+ na students ng Lasalle it still would not be enough, but one signature will really help them so much...

Maraming Salamat po!

Sunday, March 15, 2009

Farmer Visit @ Hospico De San Jose 03/14/09




pumunta kami nina kuya reden, mark, at val sa Hospicio para bisitahin ang mga kapatid natin na magsasaka na nais isulong ang CARPER Bill..

konti na lang sila ngaun mga 25 na lang daw silang magsasaka..
18 from Calatagan, and some from Sumilao at Banasi farmers..

yung iba babalik na lang daw sa April 13 para sa susunod na session ng ating Congreso, dun kasi malalaman kung maisusulong ba ang CARPER Bill..

Nagkaroon lang kami ng kuwentuhan, pati yung mga ghost story nila dun sa Hospicio..
yung Hospicio kasi isa siyang island na malapit sa me MalacaƱang.. sa me Ayala Bridge na malapit din sa SM Manila..
its a 200 year old orphanage.. @_@
first time ko lang din nakapunta dun, pero ilang beses ko na rin kasi yun dinadaanan..

sakto pa nagblack and white photography din ako dun, nagbabakasakali na meron ding "someone" na magpakita sa pic.. hehe..

Saturday, March 14, 2009

Lupang Hinirang Lupang HInarang: ADU 03/03/09




so natulog yung mga kapatid na magsasaka sa Lasalle..
kinabukasan ay dumeretso naman sila sa Adamson University.

dapat hindi ako makakasama nun kasi me class kami..
kaso hindi ko alam wala pala kami class nung umaga.. pambihira.. ahahaha..
aga-aga ko pa pumasok nun
pero sakto na rin kasi nakasama naman ako sa kanila sa march nila from DLSU-ADU.. medyo malayo layo rin yun ah.. hehe.. pero ok lang naman..

Lupang Hinirang, Lupang Hinarang: DLSU 03/02/09




Calatagan, Sumilao, and Banasi Farmers' march to DLSU..

basically there are fighting for their lands and for the Congress and Senate to pass the CARPER Bill (CARPER==Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reform)

merong kasing pinass na law dati which is called the CARP.. (i think Pres. Cory or Ramos) that the government will allow our poor farmers to till government lands and then babayaran nila ito ng huloghulagan sa government for 10 years..

however, matatapos na yung said 10 years, and sapat lang yung kinikita nila para sa kanila, kaya gusto nila iextend ito..

kasi if ever hindi siya maextend, private companies will buy these lands and will convert it to resorts, ports, and for their mining businesses..

so ang mangyayari mawawalan sila ng pangkabuhayan, at domino effect din yun sa atin.. magmamahal ang produkto katulad ng mga gulay at prutas..

so they marched from their own provinces going to DAR(Dept of Agrarian Reform) and sa Congress at Senate..
one of their stops is here in DLSU..

sana patuloy po natin sila suportahan! :)