Friday, July 11, 2008
Iba't ibang Uri ng Photographer
trigger happy siguro ako.. hmmm..
dagadag mo pa yung mamarco with the mapili on the side.. :P
MAKALIKOT
- ito ang uri ng photographer na nakapose na ang modelo pero bago pindutin ang shutter button ay kung ano-anong settings pa ang pinaglalalagay sa dSLR nya... from shutter speed to lens length... kahit prime na yung lens nya at sakto, papalitan nya kasi parang may mali... nagbobokeh pa para lang makuha yung gustong epek... resulta... ngawit na ang model...
Kalupitan level: 1/5
MAUTOS
- common ito sa mga may model shoot... uutusan nila ang model.. pout... liyad... tuwad... higa... hubad... makuha lang yung "perfect" angle... resulta: ang model e parang clay... kung ano-anong posture ang gagawin... kaso di pwedeng umangal yung model.. papasikatin sya nung photographer eh... tapos... pag tinanong ng model kung tapos na ba yung pose nya... hindi pa... makikita mo gumugulong-gulong din yung photographer... para daw perfect lighting yung kuha nya... aysows...
Kalupitan level: 3/5
HUMAN GORILLAPOD
- uncommon to pero pag naka-encounter ka... luluwa mata mo... it's all about the lighting ika nga diba? opposite ito ni MAUTOS... imbes na utusan ang model, ang photographer mismo ang nagbebend, lumiliyad, o higit sa lahat, kulang na lang maging gorillapod dahil sa pagiging flexible sa pagkuha ng shots... ayaw nyang utusan ang model dahil baka tumanggi na yun sa next photoshoot eh... makikita mo lahat ng kasama nya imbes na sa model na maganda nakatingin, sa photographer... biro mo human gorillapod flexibility eh... di mo sya masisisi pare... perfect lighting ang habol nya... and his/her shots will justify it... pero pagkatapos ng shoot at nakaayos na ang lahat at nakauwi na, dederetso yan sa Mercury Drug Store o sa kahit anong Botica para bumili ng pain reliever...
Kalupitan Level: 6/5
MAPINDOT
- eto naman ang mga weirdo... makita lang yung shutter button... yung silver na bilog... talagang naglalaway na para lang mapindot... kinda like an obsessive-compulsive behavior... at ang gustong gusto nyang tunog ay yung tunog ng shutter release... chuka chuka chuka...
Kalupitan level: 2/5
MAPILI
- marami nito sa event shoots lalo sa cosplay shoots... basta makita nyang maganda.. shoot! pero pag nakita nya parang hindi pasok sa panlasa nya, di nya kukunan kahit marami nang photographer ang kumukuha ng shot na yun dun sa ayaw nyang subject... pag sinabi nyang ayaw, kahit umiyak ka ng dugo para kunan nya, ayaw talaga nya...
Kalupitan level: 3/5
MA-ZOOM
- eto yung mga may paparazzi tendencies... makikita mo sa lens lineup nya... may wide to tele lens sya, hanggang dun sa mga naglalakihang zoom lens gaya ng 70-200, 80-400, etc... yan yung mga tatawagan mo sa gabi sasabihin nag-n-night shoot daw... night shoot nga... kaso sa kapitbahay na nagbibihis... nakuuuu...
Kalupitan level: 4/5
MA-MACRO
- opposite side eto ni MA-ZOOM... lahat ng maliliit na bagay, gustong up-close at malaki... magmula sa langaw, bangaw, tipaklong, at kung ano-ano pang gumagapang at gumagalaw... sa tingin ko eto yung mga may fascination sa mga maliliit na gustong palakihin... lens lineup? ayaw bitawan ang kit lens nya kase may macro capabilities din kase. madali mo silang ma-identify kase kahit walang camera, ilalapit nila ng kanilang mata ng malapitan sa isang subject... iisipin "imamacro kitaaaah... macrooo... macroooo..."
Kalupitan level: 3/5
TRIGGER-HAPPY
- pagsamahin mo yung characteristics ni MAPINDOT at MA-ZOOM para ma-achieve mo tong status na to... lahat kinukunan mo... lahat... bagay, electric fan, ilaw, bata, matanda, may ngipin o wala... basta parang may bumubulong sa iyo... kunan mo... kunan moooooh
Kalupitan level: 5/5
MAGALA / PALABOY / LAGALAG
- eto yung taong gala... may characteristics ito ni MA-ZOOM at TRIGGER-HAPPY pero minor or hampered lang... lalabas ito ng bahay bitbit ang camera at uuwi ng hapon... punong-puno ng RAW files at JPEG files ang memory cards nya... yung paggala range nya eh kumbaga from Manila City Hall, mapapadpad yan ng Caloocan... wag nyo syang sisihin... marami syang pera!!!
Kalupitan level: 4/5
TAMAD
- as the title says, tamad... eto yung mga taong may characteristics ni TRIGGER-HAPPY pero pagdating sa post-processing eh... pabanjing banjing na lang... kaya nga tamad eh... resulta... bihira mag shoot sa RAW... JPEG na lang... makikita mo nabubulok na ng isang taon o mahigit pa yung mga kinuha nyang images pero andun lang... di nya pinopost process... yung multiply nya? di updated kahit online sya... TAMAD EEEEHH...
Kalupitan level: 6/5
POST-PROCESSING BUFF
- eto ang pinaka-metikuloso pagdating sa post-processing... lahat ng options kinakalikot... white-balance, tone, colour, lahaaaaaaat.... basta makuha nya yung pinakamagandang kuha... wag ka, LAHAT ng post-processing tools, apps at plugins meron sya sa PC nya... the ultimate darkroom man... di mo sya masisisi... pag nakita mo pics nya... luluwa mata mo at maglalaway ka... resulta: EGO power increased by 10%, lalong magiging adik yan sa post-processing... lahat ng pics nya, kada adjustment, save as copy... in other words... ADIK SA POST PROCESSING
Kalupitan level: 5/5
MODEL+PHOTOGRAPHER COMBINATION
- gulat ka ano? uso yan ngayon... yan yung mga magagandang photographer... dagdag mo na rin yung mga gwapings... yung tipong pag may shoot kayo at walang model... magpopose yan sa isang tabi tapos dedma lang pag kinukunan sya ng iba.. kala mo ba dinededma ka nya? hindeee... dagdag ego power yun sa kanya... kakapal pa lalo mukha nya... makikita mo na lang yan mamaya nakaliyad... pero dedma pa rin... hahah... pero yung iba talagang kakaririn tong status na to... ayos eh... para marami kang maga-grab na photos mo after post-processing... tapos sasabihin mo sa sarili mo... SHET ANG GWAPO/GANDA KO... with matching EVIL LAUGH
Kalupitan level: 4/5
BOYSCOUT
- alam nyo naman siguro motto ng isang boyscout. laging handa... yan yung makikita mo may dalang malaking backpak... yung tipong dala nya yung studio nya sa bag nya na pag binuksan mo eh... poof!!! instant studio!! with matching softbox, umbrella, costumes, etc... eto na siguro yung magaling magsiksik ng gamit sa bag... yan yung on the spot sasabihan ka tara shoot tayo dala ko studio ko sa bag... mapapa-isip ka sa una... then pag nakita mo laman ng bag nya... mapapanganga ka at mapapamura sa pagkamangha...
Kalupitan level: 7/5
STALKER
- eto na siguro ang ultimate mamaw photographer... combine mo si MAPINDOT, MAPILI, MA-ZOOM at TRIGGER HAPPY... karamihan ng mga ganitong photog eh nagsisimula sa mga events na may makikitang magagandang babae/lalake... tapos babanat nya zoom range nya from his/her lens lineup... makikita mo naka-mount sa cam nya yung mga mahahabang range ang zoom... tapos habang nagpopost process... may nakatirik nang candila... dadasalan nya yung natipuhan nyang subject... maging akin kaaa... maging akin kaaah... tapos hanggang tenga ngiti nyan pag sa susunod na event shoot eh andun uli yung subject na trip nya... pero this time kit lens na ima-mount nya... para malapitan nyang kukunan yung subject... stalker eh... then hihingin na nya yung YM... multiply... deviantart... cellphone number... pag nahingi nya... hanggang tenga ang ngiti!!!
Kalupitan level: 10/5
ikaw anong klaseng photographer ka? aber?! haha.. :))
Monday, July 7, 2008
DLSU-ADMU 1st round 07/06/08
grabe! naphobia na talaga ako manood ng UAAP na live..
nanood lang din naman ako sa araneta pagDLSU-ADMU na game, eh
and for the 3rd consecutive time na nood ako ng live.. TALO parati ang DLSU sa ADMU.. waaaaahhh..
buti pa pagnananood ako sa gox or z2 nananalo palagi.. >_<
pano ba naman, natalo na naman ang DLSU sa ADMU dahil NA NAMAN sa free throws ng admu.. sabi nga ng kasama ko.. papakidnap na talaga namin si Christ tiu.. grabe.. nakakaasar siya!!! lahat ng freethrows niya pumasok, except 1 na hindi pumasok nung nagfreethrows siya ng 3..
nagtataka din ako.. di ba, sabay sila ni ty tang naggraduate sa xaevier.. bakit hindi pa naggraduate si chris tiu? hmmmm...
anyway, agaw eksena nga si Manny Paquiao pati na rin si Gilbert Arenas, taga NBA, Wizards ata..
yung una pa naman ganado ako, kasi nanalo yung UP sa NU! nakakatuwa kasi last season walang panalo yung UP kahit isa.. tapos first game panalo agad..
ang nakakatuwa din kasi yung DLSU at mga taga ADMU todo cheer for UP.. pero nice game!
hindi ko talaga makalimutan yung mga cheers nila...
"matatatapang, matatalino..
walang takot, kahit kanino..
hinding hindi, magpapahuli
ganyan kami mga tagaUP!"
pati yung baybay ng universidad ng pilipinas...
u-na-i-va-e-ra-sa-i-da-a-da
na-ga
pa-i-la-i-pa-i-na-a-sa
astig...
sabi ko what if de lasalle na baybay..
DA-E
la-a-sa-a-LA-LA-E
wahahahaha!
anyway,on the other hand first game ng DLSU ngayun.. champions pa naman last season.. kaso unang game talo agad! 73-79..pambihra.. 0-1 toinks..
ganun naman dlsu,eh.. bagsak sa una tapos mananalo sa huli.. wahahaha..
babawi kami.. promise...
animo la salle!
Saturday, July 5, 2008
5 most important things in my life
last wed, ininterview ako sa Cosca for Love Volunteer...
one of the question they gave is, what are the 5 most important things in your life that best describes you...
or parang the 5 most importnat things in your life that you can live without..
sabi ko nun computer, computer, computer, computer, computer.. ahahaha
pero kahapon na isip ko na kung ano nga yung mga yun..
meron pa pala mas importante sa lin kaysa sa computer
meron 'material' things na kung wala yun hindi pala ako mabubuhay araw-araw..
kasi paggising ko kahapon umaga, bigla ko hindi mahanap yung Bible at planner ko..
naiwan ko pala nung formdev facu training namin..
pero hindi talaga ako makapaniwala na mawawala ko yung dalawang yun
buti nakita ng isang faci, tapos binigay niya kay Sir Sison, Formdev Head..
so makukuha ko pa lang siya sa Monday pa...
pero yun nga, yung 5 most important 'material' things pala sa akin ay:
1. Bible
2. Planner
3. Computer
4. Digicam
5. USB
ahahaha.. parang ang weird noh.. pero bakit nga ba yan...
1. Bible- yung bible kasi na ginagamit ko ngayun ay bigay ng parents ko, and galing Doulos pa yun! imported pa! ahahaha! actually we all have the same Bible.. and kasi yun yung ginagamit ko for my devotions everyday.. kaya tuloy kahapon at kanina ginamit ko na lang yung online Bible for my devotions.. www.biblegateway.com ..
2. Planner - grabe, isa pa ito.. kung wala ito ang gulo siguro ng buhay ko.. its a DLSU planner.. yung new one.. super laki talaga ng tulong nito sa akin.. tapos kasi importante pa laman nun.. nandun yung animo sim ko, yung mga s20 pics ko, yung bora tix ko at yung money na pangbayad namin sa shirts! wahahaha! kasi ako gusto ko organized lahat ng gagawin ko araw-araw, lalong lalo na kasi medyo meron akong short term memory, kaya kung hindi nakasulat yung mga gagawin ko, makakalimutan ko yun eventually
3. Computer - pangatlo lang sa pinakaimportante pala ang computer sa akin.. kasi katulad ngaun wala ako cellphone ngaun.. so kaya yung pangcommunicate ko sa ibang tao is using email, ym ,friendster, multiply, etc lang.. hindi kasi ako nabubuhay na hindi nagcheck ng email araw araw..almost every day kasi there is a minimum of 25 emails/per day.. so paghindi ako nagbukas agad puno agad email ko.. by the way organized din kasi yung email ko.. meron ako mga folders, dun ko nilalagay yung messages.. meron din ako mga filters, para diretso agad dun sa mga folders.. kunwari me filter ako na for dlsu msgs, friendster, at multiply.. tapos kunwari lahat ng messages na galing from friednster mappupunta sa friednster folder... at sinisigurado ko rin na cleared parati inbox ko.. hehe..
*pero yun nga, makabenta ang talaga ako shirt namin, makakabili na ako ng cell.. :P
4. Digicam - naalala ko dati gusto isangla ng mommy ko yung digicam namin kasi wala na kami pera nun.. kaya ako namn tinago ko siya kaya galit na galit yung mom ko nun.. buti na lang yung pinacheck sa pawnshop, maliit lang yung kita if evr, P1000 lang ata tapos ayaw nila tangapin kasi nawawala yung takip nung lens..(*buti na lang talaga nawala yung takip na yun, kasi nwala yun nung nagcwts kami).. anyway, ayoko talaga mwala yun kasi yun na nga lang yung kaisangisang electronic gadget sa akin.. and lalong lalo na pag me events, mahilig talaga ako magtake pictures..
5. USB - yung USB ko naman super tagal na nun, its 1 GB.. kaso pagsinaksak sa gox comps parati na lang me virus,, hayyyy.. malaki din tulong nun,ah.. kung wala siguro yun.. hindi kami nakapgreport.. hindi ako nakaprint ng mga important files.. hindi naksave ng mga installers na pinagnanakaw sa mga computer ng ibang tao! ahahaha! (*meron kasi ako "habit" na kapag nakakita ako ng laptop at compuetr ng ibang tao, chinechek ko programs nila at hinahanap ko installers, ahahahaha)
Kayu meron din ba kayu important things in your life?!
kasi katulad ako hindi ko sila napapansin na important pala sa buhay, until nawala ko sila..
parang kasi paminsan normal na lang na nandyan yung mga yun..
pero syempre nilagay ko dito is 5 most important MATERIAL things in my life
syempre material lang mga ito, mas importante pa rin yung bagay na hindi materials..
alam niyo nayun kung ano yung mga iyon..
GK People's Caravan 07/05/08
balik GK ulit.. wheee! ang saya talaga dito!
so ngaun we have a feeding program para sa mga bata...
marami din pumunta from DLSU..
3 kami from Catch2t11 BA.. ako si mik at si ja..
people from SC.. Comdev(Community Development) Volunteers
2 from harlequin Theatre Guild
Tapat people
GK people
and Formdev people
so nakipaglaro kami sa mga bata halos the whole morning tapos yun nga namigay na kami ng food.. its arroz caldo lang naman.. kaso me ek ek daw yun na vitamins something..
ang arte pa NILA..
nagpatawag pa ng media para icoverage yung feeding program..
there are people from abs-cbn, inquirer at phil. star ata
halos 100 na bata din napakain kaso i think super konti lang yung food na pinamigay..
hayyy... pasikat..
anyway, after nun nagperform yung mga tagaHarlequin Theater Guild
at tawa ng taw yung mga bata..
aftre naman nun, laro again with the kids.. tapos ayun sinampahan na ako at dinaganan.. kaya super dumi ko paguwi ko kaso hindi naman ako pwede maligo agad kasi super pawis ako!
anyway, kahit half day lang kami dun, super super pagod talaga, pero super duper SAYA naman!
MooMedia GA && Animo Pep Rally 07/04/08
nakigulo sa moo media gk sa gox..
then nakigulo din sa animo pep rally sa amphi
dami pagkain sa moo.. plus button pin pa!
kaya love n love ko yung moo,eh..
parang gusto ko na talaga magmoo officer..
kaso nga kasi lscs na ako,eh..
anyway,sa animo rally naman naabutan ko lang nagperform yung isang banda and nagperform din yung animo squad.. kaso bigla umulan kaya hindi natapos yung program
Wednesday, July 2, 2008
St. La Salle Preschool 07/01/08
ahahaha.. late ko na napost ito,kasi busy selling shirts.. :P
anyway,last tue, i went to st. la salle preschool..
its located in agno more likely malapit na sa quirino ave..
di ba lapit lang sa school?!
anyway,i and monique were there to observe the kids as a preparation for our community service, and dapt 8-8:30 lang kami dun..
kaso natuwa kami kaya umabot kami hangang 12pm dun sa preschool..
meron din kami kasama from our class which is mel.. so bali 3 kami nandun
actually, the preschool is divided into three classes..
st.miguel,st.benilde,and st. john
nakaattend kami dun sa st.miguel and st.benilde shift
st.miguel class(pic1437-1457) are really makukullit na bata.. but one of them si patrick jemmel(pic 1449), ayaw niya makisama sa mga ibang classmates niya, so ako pa magaling ako makipagusap bata.. kinausap ko, tapos ok na kami.. tapos after a while balik na naman siya..eventually me mood swings talaga siya... their teacher was also teacher evelyn, and super dami ko rin natutunan sa kanya that day how to teach those kids..
st.benilde class(pic1459-1473) naman is a super tahimik class.. meron dun kid named andrey(pic 1465).. na hindi masyado nagsasalita, kaso ang cute talaga ng smile niya.. ahahaha.. magsmile lang siya buong class! ang pinakamkulit nung nagtuturo na si teacher rina, me tinuro siya na pic ng duck(pic1467), sabi niya.. mga bata, ano ito?! sabi ng isang bata. KWEK-KWEK!!!! wahahaha!! laughtrip sobra!
ako talaga i really have fun being with kids, especially teaching them.. pero kahit sandali lang kami dun, ive learned a lot of things, especially yung mga kinds of attitudes of each child..
sabi ko nga tambay ako dun every tue and thu.. hehe..
*uu nga pala me pasingit na pic si richmond na nakapants!!! @_@ at si ernest na suot yung bagong lasalle adidas jacket na worth P2,300 daw!!!! @_@
Tuesday, July 1, 2008
Selling I "love" Ateneo shirts!
introducing the i "love" ateneo shirt! or the "i love lasalle more than ateneo shirt"..
P180 only!!!
Sizes: XS, S, M L, XL
if you want to order please send a pm us here in multiply(www.arkero.multiply.com)
or email(arkero_shirts@yahoo.com) the following info..
please dont make orders to this blog,because we wouldn't accept it..
1. Whole Name
2. Cell Number
3. Email Add
4. Size that you want to order
please put also in the title or subject of your email.. 'Shirt Order'
we will be sending you a text or email when the shirt will be claimed...
we'll try our best to distribute it by saturday, so you can wear it in the dlsu-admu game this sunday.. :P but if not we'll be releasing it by next week..
just send us your orders before thu evening and we will TRY to distribute it by saturday..
thanks..
please visit our multiply...
http://arkero.multiply.com