Showing posts with label araneta. Show all posts
Showing posts with label araneta. Show all posts

Wednesday, October 1, 2008

DLSU-ADMU Game 2 Finals 09/25/08




ok last na utang ko album na ngayun ko lang naupload..
*actually meron pa isang album yung LSCS Officers meeting kaso super blurred lahat ng pics , so hindi ko na yun iuupload pa..

a rainy day for the Archer team..
me nagsabi nga, "God cried because the Archers lost kaya umuulan" wahahaha.. @_@

Ateneo won the second game for the Finals 62-51, making them the Champions for UAAP Season71..

Well, tanggap din naman ata ng Archer Team kaya sila natalo..
im not sure pero alam ko sabi din ata ni Coach Franz in one of his interviews na talagang malakas lang ang Eagles this Season... bawi na lang daw next Season..

pano ba yan, hindi man lang nanalo ang DLSU kahit isang beses sa ADMU this season..
balita ko rin daw kasi talagang nagtraining pa daw yung mga Eagles sa America, so kailangan lang talaga nila siguro ipakita ang dulot ng pagtraitraining sa ibang bansa..

yan talaga ang ebidensiya na MAS mayaman talaga ng hindi hamak ang mga Ateneans kaysa sa mga Lasallians.. SOBRA..


anyway, wala naman talaga ako balak manood that day ng Game, eh kaso me extra ticket ako so nanood na lang ako..

im really expecting na matatalo rin ang DLSu, so nanood na rin ako kahit papano kasi gusto ko makaexperience ng isang Finals game..

ang balak ko rin nung una,itest ko yung isang theory ko..
like what ive said before me phobia ako manood ng dlsu-admu game..
eh,ang iniisip ko, baka pagmanood ako na magisa mananalo dlsu..
so, nanood nga ako magisa, tapos after mga 10 min ata..
nakita ko yung mga formdev people sa likod ko..
so pano ba yan..
ALAM NA kung bakit natalo ang DLSU.. tsk tsk tskk..


Anyway, bawi na lang talaga next year..
kaso wala na si Casio.. huhu..
si Rico naman daw tuloy pa rin next Season 72..
grabe.. sa pagkakaalam ko ID103 siya.. wow..

Animo Lasalle!!! :))


/*************/
Warning:
SUPER blurred photos ahead..
halos 80% of the photos are blurred..
nung una nagbubura pa ako ng mga photos na panget.. yun pala lahat blurred..
hayyyy..

Wednesday, September 24, 2008

Sino kaya mananalo bukas.. DLSU o ADMU?!

sa tingin niyo sino kaya mananalo bukas..

DLSU green archers ba
o ang ADMU Blue Eagles?!

ahahahaha..

kasi

pagnanalo ADMU:
1. Champion na sila... :|
2. Pagyayabang nila na hindi nanalo ang DLSU over them.. 
3. Dagdag celebration sa 150 years nila.. 

pagnanalo naman DLSU:
1. meron Game 3!
2. kikita lalo ang Araneta..
3. lalaki demand ng tickets
4. so kikita ulit ang scalpers..
5. makakabenta din kami ng MORE shirts!!!! (*Arkeo shirt yung I love lasalle more than ateneo)

kaya dapat manalo DLSU.. kasi mas marami advantages.. ahahahaha! jokes :P

Animo Lasalle! :)
  

Monday, September 22, 2008

Selling UAAP DLSU-ADMU Game 2 Finals tickets!!!!

Selling

2 Upper B tickets...

and

3 Gen Ad Tickets...

*baka makakuha pa ako sa ibang kasama ko, if you really want more tickets...

Bid lang kayu! syempre Highest Bidder gets the tickets...
Mas maganda din if you get the 2 Upper B tickets na agad.. or the 3 Gen Ad tickets.. or even both.. :))

I can give it to you sa Thu sa DLSU or kahit sa Araneta na mismo...

*leave kayu ng message dito or pm me sa YM.. andrew_pamorada..

thanks! :D

Thursday, September 11, 2008

DLSU-FEU Twice-to-beat Advantage Game 09/11/08




ok, 2nd time to watch a game by myself AGAIN..
pero the nice thing is that it is really a unique experience to watch in the PATRON! wahahaha..
at ang malupit pa i got TWO patron tix on both sides(feu and dlsu side).. :))

what happen is this..
kasi one of my friend sa FEU said na madaming patron tix daw na binebenta sa kanila
ako naman na walang alam(basically siya din hindi niya alam,dahil frosh pa lang siya), nagpareserve ako ng tix agad without knowing na lower boxes and patron tix are reserved seats pala, meaning hindi ka pwede kahit saan umupo, so there's a patron feu side and a patron dlsu side with a seating arrangement.. same also with lower boxes..
so yun nga i got the patron feu side na tix..

buti na lang sinabi ni ernest na reserve seats pala yun a day before..
kasi im thinking to wear a lasalle shirt sa game, nako kung hindi talaga patay ako..
so sabi ok na rin yun kahit papano, kasi ang habol ko lang talaga is a nice place to take pictures, alam niyo naman medyo nagaaddict ako ngaun sa photography..

when i got there, marami pa pala binebenta na dlsu patron tix..
buti na lang medyo me ipon ako last term, so i got myself one na rin..
so naisip ko sayang naman yung feu tix ko..

so i watch the first half sa dlsu side,
grabe, super tahimik pala dun.. kasi puro matatanda..
tapos konti lang nagcheer..
so medyo nahihiya tuloy ako magcheer..

anyway, nung medyo matatapos na yung first half i saw bro. ceci sa feu side taking pictures near the players pa.. so i got the idea of using my feu side tix tapos dun din ako para malapit sa bench ng dlsu.. hehe..

actually, there are also some dlsu people dun sa feu side..
so nakiupo na lang ako sa kanila, pero the fact na reserved seats nga yun..
so pakapalan na nga lang ng mukha.. ahahaha..

so yun nga i seated sa 2nd row seats at the back mismo ng dlsu bench..hehe..
astig talaga experience na nandun ka mismo malapit sa dlsu players..
so ang resulta..
dlsu-feu game == 2 hours game ONLY == 300+ pics!
grabe yan na talaga pinakamalupit ko na ratio of pics in a short period of time..
nako the fact pa na im using only my digicam.. pagSLR pa yan.. nako, baka doble pics..
kelan ba kasi ako magkakaroon ng SLR.. huhu.. baka meron gusto magdonate diyan.. jokes.. :P
*SLR == 1 term tution di ba?! eh hindi pa nga ako nakakabayad ngaun,tapos me utang pa ako last term na 60%..




anyway,alam ko, the game was made to break the tie between the two schools, kasi both schools which are both nasa second place with ranking 10-4.. (*10 wins, 4 loses)
and also to get a twice to beat advantage sa semis..(*which is on sunday na agad)

game summary..
so dlsu won nga over feu with final score 62-59.. to break the tie up..
so 2nd place na dlsu with 11-4 ranking.. and 3rd place feu with 10-5 ranking..
nung first half, lamang yung feu over dlsu with a few points
the last half was owned by the archers
eh, mga archers, sa una medyo nagpapacool down muna.. tapos biglang babawi sa dulo.. haha!

actually nga nung last quarter, the archers got a 15 point lead na..
kaso na 2 fouls na magkasunod,if im not mistaken, napasok laht so + 4points for feu
tapos alam ko naka3 points din sila until medyo nahaol na nga yung points..

anyway,ito yung scores..
1st quarter- FEU-10 DLSU-8 (*not sure ako sa first two quarters, binase ko lang kasi sa tinake ko na pics)
2nd quarter- FEU-25 DLSU-23
3rd quarter- FEU-39 DLSU-47
4th quarter- FEU-59 DLSU-62

to get some details of the game, check niyo na lang dito..
http://www.gmanews.tv/story/119694/La-Salle-earns-twice-to-beat-in-UAAP-semis-with-win-over-FEU


meron na ako theory..
siguro if i watch UAAP games by myself mananalo yung DLSU..
if me kasama talo?!
or if i watch a game that is not against dlsu
hmmmm...
what if i prove it.. wahahaha..
manood kaya ako ng finals ako lang magisa.. baka maging champion ulit dlsu.. ahahaha!

pero basta baka hindi muna ako manood ng dlsu-admu game talaga.. naphophobia pa rin ako hangang ngaun..

*got also some blurred pics again, pero hindi na siya mas malala nung dati..
pero i really got nice pics ng mga players, as in malapitang mga pics..
habol ko nga sana mga atkins pix kasi alam ko paborito yun ng bayan.. wahahaha.. kaso ang layo niya parati eh.. or kung malapit nakatalikod naman.. :P

Sunday, September 7, 2008

DLSU-ADMU 2nd Round 09/06/08




hayyyy nako..

its my 5th time to watch Uaap live
and 4th time to watch a dlsu-admu game with s22 people(shaun,divine,vea,katrina,george,cj,paul,felix) and lscs people(ate nica,ate dianne,ate raissa)..

and for the 4th time ng panonood ko ng dlsu-admu game..
TALO na naman ang DLSU!!! waaaaaaahhh!

hindi ko talaga alam kung sadyang malas ba ako..
or sadyang malas lang ang dlsu..
pero actually hindi naman ako naniniwala sa malas,eh..

pero bakit ba kasi ganun?! huhu..

sabi ko pagnatalo ulit dlsu ngaun,
hindi na ako ulit manood ng dlsu-admu for a while..
siguro pag nakakuha ako ng upper-A below(below ba or above.. lower boxes patron) tickets pwede ako manood siguro.. asa pa ako di ba?!
*pero sosyal kasi ako ngaun meron ako kilala mga officials ng dlsu.. hehe.. malay niyo.. :P


last 5 min din nga ng game..
medyo nadedepress na ako as in nakaupo na lang ako.. huhu..



anyway..
Game Summary...
-Overall score is 65-57.. waaaah 12 lamang?!

-1st quarter- ADMU-21 DLSU-12
-2nd quarter- ADMU-36 DLSU-28
-3rd quarter- ADMU-54 DLSU-41
-4th Quarter- ADMU-65 DLSU-57

*hindi man lang lumamang ang dlsu kahit isang beses sa game..
yung pinakamaliit na lamang ateneo is yung unang 2 points nung start ng game..
and yung sunod is yung 3 point lead ng ADMU nung bandang 3rd quarter

*pinakamalaking lead ng ADMU is 15 points nung 3rd quarter

*si Ricco yung may pinakamalking points for DLSU- 16 points
-ok siya ngaun ah.. pumapasok na mga freethrows niya hindi gaya dati..

*Si JV casio.. what happened to you?! he only got 5 points for DLSU.. huhu..
-sayang talaga mga 3 points shots sana ni JV.. hindi talaga pumapasok..

*overall points of players(got from MB newspaper)
Maierhofer 16
Atkins 9
Barua 8
Malabes 7
Casio 5
Villanueva 4
Mangahas 4
Walsham 2
Webb 0
Revilla 0
Bagatsing 0

*naasar din ako sa referee that 12 and 15.. putik.. lutoooooo!!!!!

*anyway,so tie tayu with FEU for the 2nd spot.. 10-4
game again sa thu to break the tie..


*meron din ako trivia- 22,136 people watch the game kahapon.. hehe (Source:MB) *MB-Manila Bulletin




anyway, ganun talaga buhay..
yun nga maganda sa dlsu-admu games,
kasi hindi mo talaga malalaman kung sino mananalo..
anyway..
next time bawi tayu..
Archers galingan niyo! kaya niyo yan!

Animo lasalle! pa rin!


*sorry din for late posting.. ang bagal ko talaga magpost..
oo nga pala, mas mdami ako pics nung half time break kasi yun lang naman talaga inaabangan ko sa UAAP.. hehe.. sayang nga hindi ako nakanood ng Cheerdance Competition.. pamibihra kasi DLSU hindi nagaanonunce na bentahan na pala.. meron pang natirang 88 tix sa gen ad.. nako papatulan ko yun.. kaso naclose na eh..

Thursday, August 28, 2008

DLSU-UST 2nd round 08/28/08




grabe one of a kind experience..

actually, its my 4th time to watch UAAP live sa araneta but i've experienced many "FIRST"..

kasi when i watch UAAP, i only watch DLSU-ADMU games
1. its my FIRST time to watch a 'non-ateneo' game

then lahat ng pinanood ko na DLSU-ADMU, talo yung DLSU parati..

2.its my FIRST time to watch a game na nanalo ang DLSU!

*actually na phobia na ako manood ng DLSU-ADMU game kasi yun nga pagnanonod ako parating talo.. well last na talaga next sat, pagtalo ulit dlsu hindi na ako manunuod talaga..

also when i watch the UAAP parati ako sa gen ad or sa upper b
3.its my FIRST time to watch sa Upper A

ito pinakmalupit, when i watch UAAP, parati ako me kasma
4.its my FIRST time to watch a game NA AKO LANG MAGISA-> walang kilalala na iba..


wahahaha its a nice experience talaga...


well this is what happen sa game..
i came there medyo late na so naubtan ko score ust-7 dlsu-6 na..

first round, dlsu got the lead with the score UST-13 tapos DLSU-15
sa second round naman nakuha ng UST yung lead ng 2 points UST-36 DLSU-34

so halftime break na... ahaha nakaktuwa sobra yung performance..
SABAY na nagperform yung DLSU PEP Squad pati na rin yng Saligawi(UST PEP)..
actually, hindi naman talaga sabay papalit palit lang.. DLSU cheer tapos UST cheer tapos DLSU cheer ulit and so on..
pero yun nga sabay sila nandun sa court

nakaktuwa yung nagform sila ng UST na LS word (pic IMG_1748800x600)
*teka ngaun ko lang napansin na ang haba ng name ng mga pics ko..


anyway so third quarter na painit ng painit na laban.. grabe ang galing talaga ni Casio,, super galing.. idol .. ^:)^
it end up with DLSU again on the lead.. UST-47 DLSU-54

so last quarter na.. nakakatense sobra.. this is what happen..
lead una yung DLSU ng 4 points 75-79
mga 15 seconds ata na lang natitira na foulout si Ricco
and that time 14 seconds nakashoot UST so 77-79
tapos ang kulit ng mga 10 seconds down to 5 seconds tumitira yung UST hindi pumapsok as in 4 na beses ata or more, pero nung 5.5 seconds to be exact nakashoot yung UST, so 79-79 waaaaah grabe...
natetense nga ako eh,, hindi ako kami..

pinakamaplupit yung last 5 seconds talaga..
tinakbo ni Revilla yung ball from the other side of the court patungo dun sa ring tinira niya hindi pumasok, tapos finolowup ni Casio, as in tinapik lang niya.. ayun PASOK!!!! nakalagay sa shotclock 0.4 seconds, pero pagkabasa ko kanina 0.3 daw nung pumasok..

grabe .. grabe.. Casio ang lupit talaga niya.. he scored 29 points ata sa game.. halos lahat ng freethrows niya pasok..
magaling din si Ricco kaso halos puro sablay freethrows niya.. pero ang galing niya sa rebounds..
ok din yung iba..


ang maganda pa nun sa pagkapanalo nila, wala si Coach Franz Pumaren , pumalit sa kanya is Coach Jack Santiago..
si Coach Pumaren kasi ngaun nasa Iran(Tehran?) ata, he is coaching the Team Pilipinas(Juniors).. it was the FIBA-Asia Under-18 Championships..


nung unang game pala, its NU-FEU, eh tie tayu sa 2nd place with FEU before the games with 8-3 score, tapos parehas nanalo dlsu at feu so 9-3, tie pa rin sa 2nd place.. babay UST na ata sa Final four eh not sure..

actually, hindi talaga ako dapat pupunta dun.. naaawa lang talaga ako sa dlsu kasi di ba finals ngaun so sa tingin ko walang pupunta.. sayang naman yung laki ng araneta kung wala pupunta, di ba?!
actually gusto ko lang din mafeel ang upper A,
shocks sana pababa ng pababa..
lower b.. lower a..
hangang patron hangang nandun ka na mismo sa gilid ng court..
actually ang habol ko lang is magandang view to take pictures..
ok na rin yung upper a kahit papano, actually ang nice ng inupuan ko sa gitna mismo ng araneta.. yung inupuan ko nga is i think the pinakacenter talaga nung view ng court.. ahahaha

oh well till next time.. admu next sat! tapos cheerdance comp naman sa sun.. hmmmmm...

*medyo blur nga pala iba kong pics.. kasi wala pa akong "nice" camera..

Monday, July 7, 2008

DLSU-ADMU 1st round 07/06/08




grabe! naphobia na talaga ako manood ng UAAP na live..
nanood lang din naman ako sa araneta pagDLSU-ADMU na game, eh
and for the 3rd consecutive time na nood ako ng live.. TALO parati ang DLSU sa ADMU.. waaaaahhh..

buti pa pagnananood ako sa gox or z2 nananalo palagi.. >_<

pano ba naman, natalo na naman ang DLSU sa ADMU dahil NA NAMAN sa free throws ng admu.. sabi nga ng kasama ko.. papakidnap na talaga namin si Christ tiu.. grabe.. nakakaasar siya!!! lahat ng freethrows niya pumasok, except 1 na hindi pumasok nung nagfreethrows siya ng 3..

nagtataka din ako.. di ba, sabay sila ni ty tang naggraduate sa xaevier.. bakit hindi pa naggraduate si chris tiu? hmmmm...

anyway, agaw eksena nga si Manny Paquiao pati na rin si Gilbert Arenas, taga NBA, Wizards ata..

yung una pa naman ganado ako, kasi nanalo yung UP sa NU! nakakatuwa kasi last season walang panalo yung UP kahit isa.. tapos first game panalo agad..
ang nakakatuwa din kasi yung DLSU at mga taga ADMU todo cheer for UP.. pero nice game!

hindi ko talaga makalimutan yung mga cheers nila...

"matatatapang, matatalino..
walang takot, kahit kanino..
hinding hindi, magpapahuli
ganyan kami mga tagaUP!"

pati yung baybay ng universidad ng pilipinas...
u-na-i-va-e-ra-sa-i-da-a-da
na-ga
pa-i-la-i-pa-i-na-a-sa

astig...

sabi ko what if de lasalle na baybay..
DA-E
la-a-sa-a-LA-LA-E
wahahahaha!

anyway,on the other hand first game ng DLSU ngayun.. champions pa naman last season.. kaso unang game talo agad! 73-79..pambihra.. 0-1 toinks..

ganun naman dlsu,eh.. bagsak sa una tapos mananalo sa huli.. wahahaha..
babawi kami.. promise...

animo la salle!