Start: | Oct 26, '09 09:00a |
Location: | Manila |
October 26 (Monday)
9:00 am - assembly time - UST, Espana
10:00 am - March to Mendiola
10:30 - 12:00 - program at mendioal bridge
Isang Pagkilos ang atin pong sasamahan kaugnay ng kampanya ng mga
magsasaka mula sa Mindanao (Davao City, Davao del Sur, Compostela
Valley, etc.). Ito po ang "BAN AERIAL SPRAYING"
12 Magsasaka ang dalawang buwan ng narito sa Maynila upang kalampagin
ang mga ahensiya ng pamahalaan (DOH, DENR, DA) at ang Malacanang para
sa kanilang panawagan.
Ang mga magsasakang ito ay kabilang sa Mamamayan Ayaw sa Aerial Spray
(MAAS) na sinusuportahan ng National Task Force Against Aerial Spray
(NTFAS) kung saan kabilang ang AKBAYAN (gayundin ang ibang grupo
Ecowaste, Sumilao Farmers, PKSK, Kaisahan, Saligan, Balaod, IDIS,
NASSA, students orgs from Ateneo, La Salle, Caritas, PAHRA/TFD, at iba
pa.
Ilang impormasyon kaugnay nito:
- naglabas ng pag-aaral ang DOH na nagsasabing positibong kontaminado
ng chemicals ang lupa at tubig sa mga komunidad na nakapalibot sa mga
banana plantations. Ang rekomendasyon ng pag-aaral ay i-ban ang aerial
spray.
- inihapag sa Inter-Agency Committee on Environment (IACE) ang pag-
aaral upang maglabas ng kautusan ang Malacanang. Ang IACE ay binubuo
ng mga ahensiya ng DOH, DA, DENR, DTI na created ng Malacanang. Sa
nasabing meeting ng IACE at sa mahigpit na pagla-lobby ng mga Banana
Plantation owners ay nagpasya ito na magkaroon ng peer study para
tingnan ang katumpakan ng DOH study ( sa DOH study ay kasama ang mga
Filipino scientists and experts mula sa UP). At ang kinuhang
magsasagawa ng peer review ay ang WHO Geneva. Sa pangyayaring ito,
nakitang hindi buo ang suporta ni Sec. Duque sa rekomendasyon ng pag-
aaral at sa mismong pag-aaral ng kanyang ahensiya.
- Ang DENR ay naglabas ng isang Memorandum na nag uutus ng temporary
suspension ng aerial spraying unless magkaron ng buffer zone o limits
ng i-ispreyan. Hindi ito gusto ng mga magsasaka, para sa kanila ay
napakababaw ng tugon na ito ni Atienza. Gayunpaman, kahit may
memorandum na hindi rin ito pinatutupad ng DENR Regional Directors at
nag comment pa na "Naku lagot tayo sa mga Plantation owners". At may
balita na ang mga magsasaka sa davao ay pinagsarhan nito ng pinto.
- Si Sec. Yap ng DA ang puspusang nagpapakita ng pagsuporta sa mga
plantation owners. siya ang nagpursige ng peer review.
- Dahil sa walang matibay na tugon mula sa ahensiya ng pmahalaan ay
nagdesisyon ang mga magsasaka na sa malacanang na ibaling ang
panawagan at ang hiling nila ay ang kagyat na paglalabas ni GMA ng EO
banning aerial spraying.
- May mga nakasalang na bill sa kongreso at senado kaugnay ng
panukalanag i-ban ang aerial spray. sa kongreso ay si Rufus Rodriguez
ang author ( matatandaang sumuporta si Rufus sa mga magsasaka noong
nagkampo sila sa CDO Court of Appeals) at sa senado ay si Zubiri ang
author at sa Bukidnon ay may ordinansa na nagba-ban sa aerial spray at
siyang ipinatutupad doon.
- Inilunsad ng mga magsasaka ang bantay malacanang kung saan ay araw-
araw silang nagpipiket sa gate 5 (J.P. Laurel St.) at may kung ilang
beses na rin silang itinaboy ng pulis doon at may pagklakataong
inaresto pa sila. Una nilang binalak na mag-jericho march sa paikot
sa malacanang subalit dumating si Ondoy at Pepeng at nabago ang plano.
- Bagamat patuloy ang pagkilos ng mga magsasaka ay hindi pa rin
lubusang nakaka-abot sa publiko ang issue kung kaya't patuloy lamang
ang kinauukulan sa pagbelewala sa kanila. Sa ilalim ng nagtahan fly-
over madalas manatili ngayon ang mga magsasaka pag sila'y itinataboy o
di kaya ay magpalibas ng magdamag. Noong Miyerkules, itinaboy sila sa
gate 5 dahil sabi ng pulis ay may magdaraang mga bisita ang
Presidente.
- Noong Martes, ay pumunta si Sec.. Bello sa picket ng mga magsasaka
at sinabi lamang na maglalabas na daw ng posisyon ang DOH. Hindi
naniwala ang mga magsasaka dahil nakatanggap sila ng text mula sa mga
taga doh na nasa peer review na nagsasabing kasalukuyan ay nag-uumpisa
pa lamang ang review. Nambobola lang si Sec. Bello.
Inip na ang mga magsasaka, dahil habang nagsasagawa sila ng pagkilos
dito sa Maynila ay patuloy ang pagbobomba ng mga eroplano ng mga
kemikal sa kanila.
Isang plano ang nabuo kaugnay nito ang isang Sama-samang pagkilos
bilang suporta sa panwagang i-ban ang aerial spraying.
A National day of Protest Against Aerial Spray
October 26 (Monday)
9:00 am - assembly time - UST, Espana
10:00 am - March to Mendiola
10:30 - 12:00 - program at mendioal bridge (kung makaka-abot)
May mga pagkilos din sa Davao at Cagayan de Oro.
Mahigpit pong inaanyayahan ang mga kasama sa AKBAYAN na sumali sa
pagkilos na ito at ating ipakita ang ating suporta sa ating mga
magsasaka mula sa Mindanao.
(The words are in Filipino... nosebleed >_<) Anyway, are you going to take part in this?
ReplyDeleteOh yeah, I hope you won't mind if I repost this :) Thanks