Saturday, October 24, 2009
National Day of Protest Against Aerial Spray
Start: | Oct 26, '09 09:00a |
Location: | Manila |
October 26 (Monday)
9:00 am - assembly time - UST, Espana
10:00 am - March to Mendiola
10:30 - 12:00 - program at mendioal bridge
Isang Pagkilos ang atin pong sasamahan kaugnay ng kampanya ng mga
magsasaka mula sa Mindanao (Davao City, Davao del Sur, Compostela
Valley, etc.). Ito po ang "BAN AERIAL SPRAYING"
12 Magsasaka ang dalawang buwan ng narito sa Maynila upang kalampagin
ang mga ahensiya ng pamahalaan (DOH, DENR, DA) at ang Malacanang para
sa kanilang panawagan.
Ang mga magsasakang ito ay kabilang sa Mamamayan Ayaw sa Aerial Spray
(MAAS) na sinusuportahan ng National Task Force Against Aerial Spray
(NTFAS) kung saan kabilang ang AKBAYAN (gayundin ang ibang grupo
Ecowaste, Sumilao Farmers, PKSK, Kaisahan, Saligan, Balaod, IDIS,
NASSA, students orgs from Ateneo, La Salle, Caritas, PAHRA/TFD, at iba
pa.
Ilang impormasyon kaugnay nito:
- naglabas ng pag-aaral ang DOH na nagsasabing positibong kontaminado
ng chemicals ang lupa at tubig sa mga komunidad na nakapalibot sa mga
banana plantations. Ang rekomendasyon ng pag-aaral ay i-ban ang aerial
spray.
- inihapag sa Inter-Agency Committee on Environment (IACE) ang pag-
aaral upang maglabas ng kautusan ang Malacanang. Ang IACE ay binubuo
ng mga ahensiya ng DOH, DA, DENR, DTI na created ng Malacanang. Sa
nasabing meeting ng IACE at sa mahigpit na pagla-lobby ng mga Banana
Plantation owners ay nagpasya ito na magkaroon ng peer study para
tingnan ang katumpakan ng DOH study ( sa DOH study ay kasama ang mga
Filipino scientists and experts mula sa UP). At ang kinuhang
magsasagawa ng peer review ay ang WHO Geneva. Sa pangyayaring ito,
nakitang hindi buo ang suporta ni Sec. Duque sa rekomendasyon ng pag-
aaral at sa mismong pag-aaral ng kanyang ahensiya.
- Ang DENR ay naglabas ng isang Memorandum na nag uutus ng temporary
suspension ng aerial spraying unless magkaron ng buffer zone o limits
ng i-ispreyan. Hindi ito gusto ng mga magsasaka, para sa kanila ay
napakababaw ng tugon na ito ni Atienza. Gayunpaman, kahit may
memorandum na hindi rin ito pinatutupad ng DENR Regional Directors at
nag comment pa na "Naku lagot tayo sa mga Plantation owners". At may
balita na ang mga magsasaka sa davao ay pinagsarhan nito ng pinto.
- Si Sec. Yap ng DA ang puspusang nagpapakita ng pagsuporta sa mga
plantation owners. siya ang nagpursige ng peer review.
- Dahil sa walang matibay na tugon mula sa ahensiya ng pmahalaan ay
nagdesisyon ang mga magsasaka na sa malacanang na ibaling ang
panawagan at ang hiling nila ay ang kagyat na paglalabas ni GMA ng EO
banning aerial spraying.
- May mga nakasalang na bill sa kongreso at senado kaugnay ng
panukalanag i-ban ang aerial spray. sa kongreso ay si Rufus Rodriguez
ang author ( matatandaang sumuporta si Rufus sa mga magsasaka noong
nagkampo sila sa CDO Court of Appeals) at sa senado ay si Zubiri ang
author at sa Bukidnon ay may ordinansa na nagba-ban sa aerial spray at
siyang ipinatutupad doon.
- Inilunsad ng mga magsasaka ang bantay malacanang kung saan ay araw-
araw silang nagpipiket sa gate 5 (J.P. Laurel St.) at may kung ilang
beses na rin silang itinaboy ng pulis doon at may pagklakataong
inaresto pa sila. Una nilang binalak na mag-jericho march sa paikot
sa malacanang subalit dumating si Ondoy at Pepeng at nabago ang plano.
- Bagamat patuloy ang pagkilos ng mga magsasaka ay hindi pa rin
lubusang nakaka-abot sa publiko ang issue kung kaya't patuloy lamang
ang kinauukulan sa pagbelewala sa kanila. Sa ilalim ng nagtahan fly-
over madalas manatili ngayon ang mga magsasaka pag sila'y itinataboy o
di kaya ay magpalibas ng magdamag. Noong Miyerkules, itinaboy sila sa
gate 5 dahil sabi ng pulis ay may magdaraang mga bisita ang
Presidente.
- Noong Martes, ay pumunta si Sec.. Bello sa picket ng mga magsasaka
at sinabi lamang na maglalabas na daw ng posisyon ang DOH. Hindi
naniwala ang mga magsasaka dahil nakatanggap sila ng text mula sa mga
taga doh na nasa peer review na nagsasabing kasalukuyan ay nag-uumpisa
pa lamang ang review. Nambobola lang si Sec. Bello.
Inip na ang mga magsasaka, dahil habang nagsasagawa sila ng pagkilos
dito sa Maynila ay patuloy ang pagbobomba ng mga eroplano ng mga
kemikal sa kanila.
Isang plano ang nabuo kaugnay nito ang isang Sama-samang pagkilos
bilang suporta sa panwagang i-ban ang aerial spraying.
A National day of Protest Against Aerial Spray
October 26 (Monday)
9:00 am - assembly time - UST, Espana
10:00 am - March to Mendiola
10:30 - 12:00 - program at mendioal bridge (kung makaka-abot)
May mga pagkilos din sa Davao at Cagayan de Oro.
Mahigpit pong inaanyayahan ang mga kasama sa AKBAYAN na sumali sa
pagkilos na ito at ating ipakita ang ating suporta sa ating mga
magsasaka mula sa Mindanao.
Wednesday, October 21, 2009
Lasalle Fire Drill 10/21/09
wahahaha.. another fire drill sa lasalle..
*honestly first time ko rin na experience na magfire drill na nasa loob ako..
kasi ba naman its either nasa labas ako pagnagfiredrill or nasa kabila building ako..
pero first time ata nila ginawa ngaun na "nagkasunog" sabay sabay sa gox, andrew, strc at sports comp.. wahahahahaha..
natatatwa lang talaga ako kasi ang dami FAIL sa fire drill nila
and its a big LOLLLLLLLL.. :)))
FAIL#1
edi ito sa gox kami, nakaindicate dun sa parang fire indicator(eh wala ako pic) basta yung malalaman mo kung anong floor me sunog , nakalagay 1st floor pag labas namin sa gox, yung sunog ito..
nasa 4th floor.. *dyaran* galing di ba?
FAIL#2
dahil sabay sabay yung firetrucks dumating concentrate lang nila alisin yung "apoy" dun sa me strc.. kawawang gox.. ayun yung fire truck ang layoooooooo.. *dyaran*
FAIL #3
so ako naman si photojournalist takbo dun sa strc..
ayun nakita ko pinapaliguan nila yung strc.. *madumi na daw eh.. wahahahahaha
FAIL #4
aba aba yung DO meron na bago trabaho, hindi na sila bumbero na sila.. LOL LOL LOL.. *me twag na ako sa kanila.. bumbeDO :)))) *ok corny yun
*do yung naka blue, pink at white na barong.. ayoko lumapit kasi baka mabasa ako, wahahaha.. picturan ko sana mga mukha nila.. wahahaha
FAIL #5
wow, ang galing, nakapagtayo agad sila ng medical booth sa strc..
*ang galing umacting nina kuya..
*actually baliw din ako, niloloko ko sila..
sabi ko, "si kuya(yung nasa stretcher) tumatawa, kunwari pa" wahahaha..
FAIL #6
ayun me sunog na, sina kuya nagpapapicture pa!
*ito mga salarin sa kaguluhan..
FAIL #7
ito the ULTIMATE FAIL
huling huli sa akto ang salarin!
*sunog pala ah, wahahahahahahahahahahahahahahahahaha...
sinayang nila yung usok, marami na sana napatay na lamok niyan..
wahahahahahahahahahahahahahahaha
ito pa isang ebidensiya..
sayang talaga, sana na picturan ko si kuya nag bobomba ng usok dun sa 4th floor sa gox na nakatapat dun sa bintana.. PANLO pic sana yun.. wahahahahahaha
Sunday, October 4, 2009
Unang Ulan ng Mayo!!!
To accommodate all who wish to watch Unang Ulan ng Mayo, we are adding one more show to the six shows originally scheduled. The new scheduled performance is on Saturday, October 17, at 10 in the morning.
Ticket selling will begin tomorrow, October 5, 2009 (Monday), at the HTG booth at SJ walk.
If you do not want to bother with tickets, and be guaranteed admission to ALL HTG plays this school year, get your HTG theater pass here. Watch all HTG productions as many times as you want with the HTG theater pass.
Saturday, October 3, 2009
Kamalayan: Infomercials w/ Sen. Miriam Defensor 09/24/09
i think this is the biggest Kamalayan(Kapihan ng Malalayang Lasalyano) forum organized by DLSU-CoNIC(Committee on National Issues and Concerns)
alam ko ata yung pinakamalaking Kamalayan nun is yung kay Jun Lozada sa me Central Plaza nung mainit pa yung issue ng ZTE-NBN deal that time pero ito napuno hangang 3rd deck ng yuchengco auditorium ng lasalle, hahahaha.. :D
ang kulet din pala ni sen. miriam, ilang beses siya nagjoke dun sa speech niya.. ibang iba sa masungit na miriam na nakikita natin sa tv :))
ito tuwang-tuwa yung mga audience sa jokes ni miriam..
(*kaso madilim kuha ko, ahahahaha.. bawal kasi flash sa loob..)
ito yung puno yung yuchengco auditorium hangang, 3rd deck
7 din pala plate number ng sasakyan ng senators..
alam ko kasi 8 pagcongressmen
*ok thats random.. hahahaha..
Si Baby at Si Ondoy 09/26/09
wala ito super random picture nung naglalakad ako dito sa aming neighborhood(apartment kasi bahay namin dito sa divisoria)..
taken during the outrage of ondoy and before i went to school at nastranded .. hahahaha..
*mag'backward upload' din ako ngaun ng pictures ko.. hahahaha..
upload ko yung latest pics ko pabalik..
ang dami ko na kasi pending albums.. @_@
Friday, October 2, 2009
Sagip Metro Relief Drive Day4 & Lian,Batangas Relief Operation 10/01/09
sabi ko hindi na ako magpapadeploy for the day, sa lasalle na ako magstay at tumulong, pero yun inassign din ako sa me lian, batangas.. hahahaha
me, kuya joey&kuya rey from cosca, 2 students, at 4 rotc yung kasama..
2000 goods for lian, batangas(isa rin sa mga pinakamarami na nabigyan ng dlsu) marami kasi nakatira sa lian nasa mga coastal areas..
hindi na rin kami yung namigay mismo ng goods, iniwan na lang namin yung goods dun sa lian city(municipal) hall..
tapos me side story pa..
me natagpuan na limang kittens dun sa likod ng bus ng dlsu..
kung nakita niyo yung butas sa taas dun sila nakita sa loob..
ang weirdo nga kung pano nakapasok yung nanay pusa dun sa loob..
ayun, nilagay ko na lang sila sa isang box tapos iniwan na lang namin sila dun sa batangas.. *o imported mga yun galing lasalle.. hahahaha
*kaso yun nga lang baka hanapin ng mommy nila..
bago kami umalis picture din muna with Lian's mayor..
*yung nakawhite na babae na nasa gitna..
ayun ayaw magpapigil ni mayor nagpapicture din dun sa kwarto kung saan nilagay yung goods..
gabi na rin kami nakauwi galing sa lian papuntang school..
nagkaroon ng meeting andit was decided na temporarily muna stopped yung relief operations, kasi ayan naman si Pepeng na darating..
*so pahinga mode din muna kami, since saturday straight na kasi kami sa school, wahahaha..
after nung meeting, nanglibra si Sir Alexander, vice dean ng student affairs ng Tokyo tokyo, ahahahahaha..
kung saan nabasa si sir macrey ng iced tea.. hahahaha
at me dalawang cheesy cosca coordinators dun sa dulo.. lolzzzz.. :))
Note:
In view of imminent threats to the safety of volunteers and members of the academic community posed by typhoon Pepeng, the DLSU Ondoy Relief Operations (Sagip Metro) team will be temporarily ceasing relief goods packing and deployment activities for Friday and Saturday.
Donations, however, will still be continuously accepted at the South Gate beside McDonald’s as well as at the Accounting Office and via the posted UCPB bank accounts.
An announcement will be made on Monday morning regarding the next steps to be taken by Sagip Metro.
For inquiries, please e-mail dsa@dlsu.edu.ph or contact 09175873846.
Sagip Metro Relief Drive Day3 & Bagong Silangan Relief Operation 09/30/09
day3 ng sagip metro relief drive sa lasalle..
some highlights for the day:
500 goods were given to AFP to be put in AFP Helicopter to be delivered in places that are hard to reach..
nagkaroon din ng 174-manned human chain.. *binilang ko yun ah.. hihihihi..
pasapasahan ng goods papunta dun sa truck..
4000 goods dapat for bagong silangan, (*pinakamarami na nabigay for a location)
kaso dahil pagabi na,2700 goods lang nasama.. (*pinakamarami pa rin)
ayun nga, sa bagong silangan sa quezon city naman ako naassign..
yun daw yung barangay kung saan daw nakakita ng mga lumulutang na mga bangkay, sila daw ata kasi yung pinakamababang lugar sa QC kaya lahat ng tubig bagsak sa kanila, tapos malapit din ata sa river kung saan dumadaan yung marikina river..
grabe, super dami tao..kakalula @_@
ito daw ata yung sa tv na madaming namatay..
*hindi na kasi ako nakakapanood ng tv for the week kasi late kami parati umuwi from school.. hahahaha
sa barangay nila pinagkakaguluhan yung L300 na me 2-4 na sako ng bigas..
hindi na rin kami yung mismong namigay ng goods that night..
pero iniwan na lang yung 2700 goods sa me church..
sa loob din ng simabahan nila meron din dumating ng mga doctor para sa mga taong me sakit..
The La Sallian Breaking News (Ondoy)
here is a TLS Special about Typhoon Ondoy..
for Hi-Resolution pictures: click here..
http://img3.imageshack.us/img3/7016/tlsbreakingnews.jpg
http://img190.imageshack.us/img190/5793/tlsbreakingnews2.jpg
Subscribe to:
Posts (Atom)