Sunday, February 8, 2009

10 Reasons Why I Am Single...


saktong sakto for valentines.. this post is exclusively for Formdev people and some christian friends only.. mapalad ka kung nababasa mo ito.. :)) *kung gusto mo mabasa, PM mo ako, pagiisipan ko.. ahahahaha..



actually, matagal ko na talaga gusto ipost ito..
medyo matagal tagal na rin ata ako hindi nagblog..
ngaun ko lang naisip talaga ipost kasi yun nga sakto din kasi malapit na magvalentines day..
medyo nainspire lang din ako sa sinulat dati ni kuya jder..

Anyway, marami siguro nagtataka sa inyo kung sino nga ba ka-IBIG-an o yung 'minamahal' ko. Naalala ko tuloy dati sabi nila Ian, naguusap daw sila ng blockmates ko, tapos ako lang yata kasi sa block namin yung hindi nila nauuto sa mga babae. I also remember one of my friends dati sinabihan na "TORPE" daw ako. wahahahaha.. babae yung nagsabi nun ah.. sabi pa niya, "kung hindi ka torpe siguro bakla ka?!" nyek.. @_@ (*by the way, yung nagsabi nun me anak na yun.. :P)

Definitely hindi ako bading.. (*tuwing madaling araw lang.. jokes.. ay FAFA.. :) Hindi rin naman din ako takot magmahal. Torpe?! Pwede.. ahahahaha.. :))

For the first time in history, ngaun lang talaga ako magshashare nito.. iniisip ko kasi baka makatulong din sa inyo itong kahit konti lang. Para mapatunayan ko na hindi ako bading, takot at TORPE, here is my 10 reasons why im still single.. parang mga guidelines and standards na ginawa ko para sa sarili ko..
 

1. "DAPAT Christian" Rule
-kaya exclusively for christians itong post ko, kasi pagnabasa ng mga non-christians, baka magcomment pa sila nung kung ano ano..

ok, back to topic..
so i have this rule in myself na "dapat christian SIYA"

siguro narinig niyo na yung 2 Cor 6:14
"Do not be yoked together with unbelievers. For what do righteousness and wickedness have in common? Or what fellowship can light have with darkness?"

ok lang naman siguro na friends mo ay non-Christians, pero pagboyfriend-girlfriend relationship, ibang usapan na yun. Iba kasi talaga pagChristian yung mapapangasawa mo, hahaba pa itong blog ko paginexplain ko pa kung bakit Christian dapat..

Honestly, i have some "prospect" list na pinagpraypray ko.. hehe.. syempre lahat yun Christians.. pero its still not the right time pa rin,eh..


2. "DAPAT Friends muna"
-yun nga una dapat christian, pero sunod DAPAT friends muna. Iba rin talaga pagkilala mo yung isang person ng matagal, mas nakikilala mo yung isang person ng mas mabuti. I remember reading a material about christian dating, sabi mas maganda nga daw na at least 3-7 years kayu magkakilala, before maging "kayu". Friends na lang muna, mas makakabuti yun sa inyong dalawa.


3."BUSY sa school"
-oh well, reason ng maraming tao, kundi school, trabaho. Pero totoo naman talaga,eh. Ewan ko, ito yung thinking ko, mas maganda na nakafocus ka sa isang bagay rather than doing and focusing yourself into two things at the same time. Pagaaral muna bago pagmamahal?!


4. "AFTER COLLEGE na"
-ito siguro yung isa sa pinakamalupit ko na dahilan kung bakit single pa rin ako..

ganito kasi ideology ko.. this is applicable especially sa mga BOYS diyan..
"DAPAT AFTER COLLEGE na lang, pag ME TRABAHO ka na"

kasi yung iniisip ko ganito, ang PANGET kasi makita na yung ginagamit mo na PERA na PANGDATE mo is yung pera ng tatay o kaya nanay mo. Di ba mas maganda kapag yung pera ng pinangdadate mo sa GF mo is yung SARILI mong pera. In that way, masasabi mo na rin na medyo independent ka na rin from your parents. gets you ba?! ahahahaha.. :))


5. "AYOKO NAGMAMADALI"
-yun nga ayoko nagmamadali, sabi nga ni kuya Jder, "ONE STEP AT A TIME". Kasi pagnagmadali ka, parang nauuna yung feelings at emotions mo na hindi mo na siya naiisip pa. Tapos yun nga hindi pala will ni God sa iyo yun, then it will lead to INFATUATION.

What is infatuation? Ayon sa Wikipedia, <Infatuation is the state of being completely carried away by unreasoned passion or love; addictive love. Usually one is inspired with an intense but short-lived passion or admiration for someone.> Infatuation == LUST. o kaya paminsan naiingit ka lang kasi yung mga ibang tao me boyfriend o girlfriend, tapos ikaw wala, so OP ka bigla. tsk tsk..


6."1st GF == my WIFE" thinking
-dahil ayoko ko nga magmadali, gusto ko talaga sure shot ako. Gusto ko yung unang girlfriend ko will be my wife. In that way, siguro i can say to myself and prove that she is really the ONE God has planned for me. Medyo parang imposible kung iisipin, pero its one of the challenges i need to face, kayang kaya yun with God's help.. hehe..


7."I dont know how to express my feelings"
-ito talaga yung nahihirapan ako sa sarili ko. Kasi there are times na me gusto ako sabihin, pero hindi ko masabi. Siguro mga simpleng examples, gusto ko magrecite sa class, pero hindi ko magawa kasi nasa dulo na lang siya ng dila ko at hindi ko masabi. There are times naman na ang ingayingay ko, pero paminsan super tahimik naman. Pagnanagagalit din ako kinikimkim ko lang tapos biglang lalabas. Basta marami pang ibang mga situations, ang weirdo ko talaga, ako nga si LABOH..


8. "I dont know how to MAKE LIGAW" (*conyo?! ahahahaha)
-marami naman siguro nakakalam sa inyo na i was homeschooled since grade 5 to 4th year highschool.. kaya i spent my whole 6-7 years sa loob ng bahay. again, hindi ako loner at emo.. sinasabi kasi ng mga tao paghomeschool ka,wala ka social life. Pero in my case i still have friends at church dati kaya hindi ako loner. Hindi ko alam kung disadvantage nga ba siya sa akin, pero siguro nga kung hindi ako homeschool, nako, ITS OVER.. iniisip ko na lang na advantage yun para sa akin.


9. "AYAW ng PARENTS"
-isa rin sa mga common na dahilan ng mga tao ngaun. Yung mama ko nga medyo nagiging suspicious sa akin, sasabihin niya, "Bakit late ka na palagi umuuwi, siguro nanliligaw ka na noh?!" o kaya pagme kausap ako sa phone ng matagal, sasabihin niya, "Bakit ang tagal tagal niyo magusap, naglilgawan lang kayu eh?!" errrr.. hello?! O_o

pero syempre Ephesians 6:1 pa rin, "Children, obey your parents in the Lord, for this is RIGHT"..


10. "AYOKO PA"
-ok last reason ko bakit ako single, eh kasi ako mismo "ayoko pa". Kung yung mama ko ayaw ako magkaroon ng GF, eh mas lalo ako "AYOKO PA". hindi ko alam kung sadyang manhid lang ako o something, kahit alam ko na nandyan lang 'siya' sa tabitabi.

sa totoo nga, hindi naman sa pagmamayabang, pero siguro kung gusto ko talaga magkaroon ng GF, siguro meron na ako ngaun. At siguro naman kahit magkaroon din ako, parang feeling ko wala na rin magagawa parents ko nun if ever..

pero yun nga hindi pa siguro talaga ako ready to enter into a relationship or siguro sadyang wala pa yun sa isip ko, o kaya yun nga nandyan lang siya, pero hindi ko nakikita..



hayyyyy...
 

basta isa lang talaga masasabi ko..
MABUHAY ang lahat ng mga SINGLES!!!

6 comments:

  1. haha andrew :P
    mejo same tayo :)) actually almost same talaga :))
    ganyan din iniisip ko kaya di ako pumapasok sa relationships ehh.

    ReplyDelete
  2. Totally agree, Andres!! We need more people who speak out and want to live their lives--specially their love lives--for God. Yeah!!! Praise God! :D

    ReplyDelete
  3. OT: bakit hindi KJV ang ginamit mo..

    ReplyDelete
  4. weee! same here :))
    halos lahat ng reasons mo, reasons ko rin e.. haha :D

    ReplyDelete
  5. SAME WITH 1 & 2 :)
    Di talaga pwedeng mawala either of those. They're the foundation of a TRUE relationship.

    ReplyDelete
  6. :))
    di ka nag-iisa.
    mabuhay ang mga single!!!

    ReplyDelete