Thursday, December 18, 2008

And the course card judgment is...

ayun! wala ako bagsak! wheeeeee! :))

here is the summary of what ive got:

ENGLRES - 2.0
INMEDIA - 3.0
INTRODB -1.5
SCIMATP - 3.0
TINTECH- 1.5

GPA for this term- 2.1428571.... *not bad :))

yahoo! ive survived the most hardest term(as of now) na walang bagsak! Thank God!
sulit lahat ng walang tulog at super pressure..

actually nung una balak ko sana magDL kaso unang una course card pa lang (TINTECH) 1.5 agad.. ok babay DL..

ito rin yung unang term ko na walang 4.0, grabe..
kasi in the past 4 terms, meron ako 4.0 kahit isa man lang, tapos ngaun lang talaga wala..
3.5 na pinakamataas ko... huhu.. pero mas ok na yun kasi wala naman bagsak..



magkuwento rin ako kung ano nangyari sa mga course cards ko..
*super haba nito.. wala kasi ako magawa.. :))


TINTECH
so unang stop ko nga is TINTECH nung 8am.. so sabay sabay kami ni enzo at ni oyo kumuha, kaso hindi sa kin binigay agad ni Doc Lilet yung course card ko.. sabi niya kakausapin daw niya muna ako.. so bigla ako kinabahan.. (ano yun bagsak?!).. actually, nung sinabi niya na kakausapin niya ako, parang prineprepare ko na yung sarili ko na tangapin na bagsak ako..

tapos ganito sabi niya..
(*as in super tanda ko siya word by word...)
"Alam mo ang galing mo sana, me alam ka,eh.. kaso hinayaan mo kainin ng activties mo yung mga grades mo. Nahirapan talaga ako icompute yung gardes mo. Yung mga kaklase mo pinagawa ko ng mga projects at pinaattend ko sa ibang class, pero wala ka nun. Tapos pinatawag pa kita dati noon, hindi gawain yun ng isang teacher ah. Naaawa ako sa iyo. Sa totoo lang merong 1.0 pero ginawa pa kitang 1.5"

ayun, ang nasabi ko na lang.. "Opo, Thank you miss.."

actually, me ibibigay sana ako gift sa kanya. as in yung ibang teachers wala ako gift sa kanila, sa kanya lang, kasi ngayun lang talaga ako nakikita ng isang TOTOONG teacher, as in super CARING and UNDERSTADING siya sa aming lahat, kaso yun hindi ko na rin nabigay,ewan ko ba, ang weird ko..

parang napinspire nga ako sa kanya maging teacher,eh.. kasi we as IST students we can pursue teaching,eh.. kasi ako if ever magturo ako, gusto ko sa mga bata, as in sa preschool..

basta pagnaging teacher niyo siya. super palad niyo.. Dr. Lilet Bautista whole name niya..
the BEST teacher na nakilala ko..




next naman..
ENGLRES
ive got 2.0, pero feeling ko wala bumagsak sa aming lahat. Kasi ba naman ang pasing grade is 70% eh yung isang kaklase ko got only 52, pero naka1.0 pa rin. mas malala yung isang friend ko 47, pero 1.0 din. Sabi nga niya, wag na tanungin kung bakit siya pumasa, ahahahahaha.. 

prof nga pala namin si Aquiles Bazar.. actually, ang weirdo niya, hindi siya pumapasok sa class, tapos hindi niya binalik agad yung mga drafts namin kaya tuloy hindi namin magawa agad yung mga final papers namin.. actually, nakahanda na nga kami,eh. if evr kasi ibagsak niya kami TRIPLE class grievance gawin namin(kasi 3 class niya sa ENGLRES this term).. super dami nagrereklamo sa kanya, kaya siguro pinasa niya na rin kami lahat, kundi patay siya talaga..




so, after nun a long break hangang 1pm..
hindi na nga natuloy yung s20 block lunch..
kaya ayun tumambay na lang sa ICC sa Central..
FREE FOOD pa!




tapos next..
INMEDIA
i got 3.0.. ok na rin kasi we expect na makukuha namin is 2.0 or 2.5 lang.. ito rin kasi isa sa pinakmadugo naming subject for this term..
lowest sa amin sa IST  is 2.0 kaya not bad, tapos highest si enif na 3.5.. yung dalwangCED students na classmates namin got 1.0, grabe siguro super "swerte" nila, naawa na lang siguro si Miss Kiran sa kanila..



SCIMATP
3.0 yung pinakamataas ko na grade this term. Sabi kasi ng frosh dati pinakamababa na binigay ni Dr. Arboleda sa kanila is 3.0 at ganun nga ginawa niya this term... tamang tama..bago lang kasi siya na prof, last term lang siya nagsimula.. ang weird nga kasi chemistry imbis na physics yung tinuro niya.. tapos bagsak bagsak din kami sa quizes niya, tapos wala finals, pero pasado at mataas pa rin.. @_@


INTRODB
the last but not the least.. because it is the WORST... lahat kami dito kinakabahan. Kasi ba naman ang weird din ni Bulos(Doc Remy), dito mo siya maintindihan, hindi lang paminsan, as in palagi... 

i got 1.5 naman..
kaso,when i checked the tally..
i got 60.07 for my raw grade, so dapat 1.0 lang yun di ba.. pero kasi me +.5 kapag complete attendance ka, kaya yun..

kaso naisip ko rin, kung wala siya +.5 sa complete attendance tapos nag kamali lang ako ng konti dun sa mga quizes, dedok na ako..pero sabi naman niya pinasa naman ata niya yung mga 55 pataas, so halos lahat naman pasado,kaso meron pa rin bumagsak.. >_<




oh, well, tapos na nga ang term.. pwede na magpahinga kahit papano.. 
super salamat talaga kay GOD, kasi without Him hindi ko magagawa lahat ito...



20 comments:

  1. its principles of teaching in instructional technology..
    actually its an education subject..
    more on principles of teaching, like dapat ganito ugali ng teacher ganito dapat magturo ang teacher yung mga ganun..

    ReplyDelete
  2. How do you calculate the GPA and CGPA again????

    Anyway, my dad at least is pleased that i got high marks now... but i still have to prove to myself and the rest of the family that i can strive even higher...

    Congrats andrew :))

    ReplyDelete
  3. 5 subjects ka lang? Hahaha :D Wow, congrats :)

    ReplyDelete
  4. actually, dapat 5.. kasama CCSCAL1.. *tristan reyes
    buti na lang talaga dinrop ko yun kasi if ever patay na ako ngayun..
    wahahahaha..

    ReplyDelete
  5. 1. bali imultiply mo yung grade mo per subject sa number units nung subject na yun..
    for example:
    katulad sa kin ENGLRES- 2.0 yung grade tapos 3 units yung ENGLRES
    so 6, actually ang tawag sa kanya honor points

    2. gawin mo yung sa lahat ng subjects(kunin mo yung honor points per subject)

    3. iadd or kunin mo yung total honor points sa lahat ng subjects mo.. sa kin kasi 30 siya..

    4. tapos idivide mo yung total honor points sa number of units mo this term.. ako kasi 14 units lang this term
    so katulad sa kin.. 30 honor points/14units = 2.14 na GPA


    5.paghindi mo magets hintayin mo na lang yung computation sa MyLasalle.. nyahahaha.. :P


    *basta sa CGPA naman parang average lang yun ng lahat ng GPA mo per term..

    ReplyDelete
  6. nakalimutan ko pala ilagay sa blog ko..
    namaintain ko rin yung walang 1.0 na grade at walang bagsak for 3 terms..hehe..
    kasi isa lang yung 1.0 ko so far, BASICON nung first term-first year.. kasi super sabit yun..
    kasi puro 1.5 pataas grade ko since 2nd term last year(1st year).. yey! :))

    ReplyDelete
  7. yay. congrats andrew. ang gandang christams gift yan. :)

    ReplyDelete
  8. haha.. mabait naman samin si sir aqui. pumapasok rin siya. i think kaya nalalate siya sainyo kasi ang bahay nia sa laguna pa.. :)

    ReplyDelete
  9. congrats!!! :D, ako nga 2.16 lang GPA ko dahil sa 2 1.0's ko sa THEOCOM at CCSCAL1 eh... well at least pasado

    ReplyDelete
  10. Wow!!!!! Ang husay ah!
    Sayang, hindi kita classmate...!

    ReplyDelete