Sunday, June 8, 2008

Sorry for SPAMMING... :((

to my block s20..
and especially to my batch Catch2t11..
at sa lahat ng yahoo groups na kasali ako...

im really really sorry for spamming your(our) yahoo groups especially the last school year.. :((

yun nga gaya ng sinabi ko sa ibang tao..
honestly, medyo natatakot na ako magpost ngaun sa mga groups kasi marami nagagalit sa kin..

gusto lang sana makatulong, pero mali siguro yung way ko in helping..

communications officer din kasi ako ng church org namin dati kaya siguro hindi ko talaga mapigilan magsend ng message.. >_<

anyway, aminado naman talaga ako na spammer ako DATI..
nagbabagong buhay na ako ngaun promise..

promise this whole 1st term hindi muna ako magsend ng message ulit..
bahala na yung ibang kasamahan ko magpost ng mga message..

again, sa lahat ng naabala ko..

SORRY.. :((

Selling Boracay Roundtrip Ticket! pls read...

sa mga hindi nakakaalam, i won this Rountrip ticket to Boracay nung 2401 Frosh party.. hehe..
(*frosh party?! ano ginagawa ko dun?! wala lang nakikigulo.. feeling frosh..)
ang nangyar kasi naghahanap yung host ng party ng kakanta ng Alma Mater song(which is one of the theme song ng La alle) tapos bibigyan daw niya ng ticket nga..

so yun kumanta ako, then yun!  hindi nga ako makapaniwala that i really won that ticket!

anyway, im planning to sell it rather than use it..
here are some of the details and the pic of the ticket itself(actually its a Gift Certificate pa)
*ive also attached the pic of the GC kung hindi niyo makita dito... click niyo sa pinakababa

BORACAY Roundtrip ticket (Manila-Caticlan-Manila)
Airline: SEAIR
Expiry Date: May 20, 2009
Orig Price: P4,500

so, how did i know na P4,500 yung price niya? that is because of this brochure..
hindi ko naman talaga ibenta ito ng P4,500, i can sell it siguro mga P4,000 na lang.. and THE PRICE IS STILL NEGOTIABLE! :P

baka punta kayu sa Bora diyan or baka me kilala kayu na pupunta send kayu ng message sa kin! ito rin yung email and Y!M ko.. andrew_pamorada@yahoo.com

ill also give 5% Referal fee sa makakatulong sa akin mabenta ito! (*pwede ko pa dagdagan yan esp kung medyo malaki benta niyo sa ticket!)

sana matulungan niyo ako mabenta ito.. huhu..

thanks in advance for your help! :))




Attachment: scan0049.jpg

Saturday, June 7, 2008

UAAP Schedule... :)

so here is the schedule sa pinakakaabangan na UAAP this year.. :D 

July 12 - Araneta Coliseum
12:30 PM - Opening by University of the Philippines
02:00 PM - UP vs NU
04:00 PM - UE vs UST


July 13 - Araneta Coliseum
02:00 PM - AdU vs FEU
04:00 PM - DLSU vs ADMU


July 17 - Araneta Coliseum
02:00 PM - UST vs UP
04:00 PM - FEU vs DLSU


July 19 - Philsports Arena
02:00 PM - ADMU vs AdU
04:00 PM - NU vs UE


July 20 - Araneta Coliseum
02:00 PM - UP vs FEU
04:00 PM - DLSU vs UST


July 24 - Philsports Arena
02:00 PM - AdU vs NU
04:00 PM - UE vs ADMU


July 26 - Philsports Arena
02:00 PM - AdU vs UE
04:00 PM - NU vs DLSU


July 27 - Philsports Arena
02:00 PM - ADMU vs UP
04:00 PM - FEU vs UST


July 31 - Araneta Coliseum
02:00 PM - UST vs NU
04:00 PM - FEU vs ADMU


August 2 - Philsports Arena
02:00 PM - UP vs DLSU
04:00 PM - UE vs FEU


August 3 - Philsports Arena
02:00 PM - UST vs AdU
04:00 PM - NU vs ADMU


August 7 - Philsports Arena
02:00 PM - UE vs UP
04:00 PM - AdU vs DLSU


August 9 - Araneta Coliseum
02:00 PM - FEU vs NU
04:00 PM - ADMU vs UST


August 10 - Araneta Coliseum
02:00 PM - UP vs AdU
04:00 PM - DLSU vs UE


September 14 - Cheerdance Competition

 

hahaha.. grabe first game na first game DLSU vs ADMU agad !!!!!

syempre kailangan idefend ng DLSU yung pagiging champon nila..

kaso pano na yan.. wala na si Ty Tang at si JV Casio..

ano na kaya mangyayari sa Green Archers this comng UAAP season?!!!

ABANGAN...

 

Animo La Salle!!!!  


Friday, June 6, 2008

Ang bagong DLSU 108 ID...

sobrang natutuwa ako ngaun sa mga frosh..

naalala ko talaga yung mga times namin dati.. nandunn sa harap ng gox agno gate nakakumpol especially lunch time tapos sasabihin namin. "Oh, san na tayu kakain" tapos sabihin ng iba.. "Bahala kayu.." alam niyo yun hindi makadecision kung saan kakain?! tapos yung nakikita ko yung mga frosh ngaun ganun na ganun talaga kami dati..

anyway..
the latest news news today sa frosh ay bago na yung design ng ID nila..
meron ako nakuha sample..
i got this dun sa schoolmate ng batchmate ko..

FRONT..

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

BACK..

 

 

 

 

 

 

 

 

 

yung unang kita ko nito, nung nasa microsmith ako at magpaprint.. kasi di ba pagopen time ka dun iwan mo id mo..
una me nagbigay ng id, so nakita ko me parang dlsu logo, kala ko tagaLSGH sila o kaya sa zobel..
tapos me nagb igay ulit sunod.. hangang biglang 5 na sila nagbigay ng pareparehas na id!
sa sobrang curious ko tinanong ko sila, "frosh ba kayu?!"
sagot ba naman sa kin.. "Oho!"(opo) @_@
then sabi ko, "bago na id niyo?! kelan niyo nakuha yan?!"
frosh, "kanina lang PO" (its somewhat tue or wed ata this week)

anyway, natatwa lang talaga ako dun sa design kasi parang highschool ID lang namin yun
pahaba siya di ba as you can see, tapos nasa gitna pa yung picture, which make it really a highschool or elementary ID!
ang sama ko talaga! ahahaha
naguusap nga kami ng mga kilala ko, tama lang daw yun para halatang "FROSH" sila..
naisip nga din namin, what if kaya nawala yung ID mo tapos magpapagawa ka ulit.. edi ganun na yung design?! NOOOOOO!!! *kaya wag niyo wawalain yung ID niyo! ahahaha!

pero ito talaga, the nice thing is what happen kaninang umaga..
i was at the CCS nook(di ba dun siya sa may Gox gate)..
habang nandun kami.. me bigla na lang tumunog dun sa parang computer ng guard na kakaibang tunog..
yung una kala ko parang sa cellphone lang
pero nung naging sunod sunod na galing pala yun sa frosh na id!
pagnagscan kasi yung mga frosh ng id nila or even their EAF iba yung tunog dun sa comp.. imbis na "toot" lang.. mahaba! basta kakaiba siya..

so,pinagexperiment namin, inassume namin na baka dahil sa barcode lang yun..
so tinry namin na iscan yung likod ng ID.. pero ganun pa din.. "toot" lang yung tumunog..
pero yung tinry namin iscan yung LSCS ID na me barcode sa likod, ayun tumunog nga katulad dun sa tunog ng frosh ahahahaha!
Try niyo and see for yourself! hehe..

so ngaun malalaman na ng guard at ng mga tao kung sino ang frosh sa hindi frosh.. dahil sa tunog!

ano na ba nangyari ngaun sa dlsu, una nagkaroon ng weird na tunog yung bell, ngaun naman yung computer naman ng guard ang me kakaibang tunog! ahahaha! :P
 

 

Dahil sa Alma Mater, nanalo ako ng ROUNDTRIP to BORACAY! (2401 Frosh Party 06/06/08)





grabe,ang dami nangyari ngaung araw na ito..

i woke up mga 7:30am this morning and pag buklat ko ng DLSU planner ko(*yeah i bought the new one), marami pala ako dapat gawin itong araw naito..
ito nakalagay.:
1. SLife Activity Approval Seminar 9:00-11:00am
2. LSCS Java Essentials Workshop 9am-12pm/1pm-4pm
3. Catch2t11 Batch Assembly Meeting 10:30-11:30am
4. FORMDEV Faci Applicants Training 1pm
5. 2401 Frosh Welcoming Party 2:30-5:30pm

@_@

so,agaga ko pumunta sa school mga 830 nandun na ako, pagdating ko dapat dun sa SLife seminar walang tao dun sa room, so punta ako sa SLife office para icheck kung tuloy.. sabi nila wala naman seminar.. (*then i found out paguwi ko dito sa bahay nagtext pala si glecer na hindi tuloy, sira kasi cell ko kaya im using my mom's cell. waaaah)

so nakigulo na nga lang ako dun sa Java tutorial.. more likely mga frosh andun, esp ICTM frosh students taking up INTRPRG, pero meron din mga OBJECTP students katulad ko..
so double purpose na rin yung punta ko dun, bantay ng tutorial at the same time matuto din ng java..
pero ang weird nga, first time ko nagjava.. pero bigla ako nagturo ng konti dun sa tutorial.. (*kala mo naman me alam! ahahaha..)

tapos hindi ko na tinapos yung tutorial diretso na ako sa BA meeting..
then nung hapon yun nga sa FORMDEV faci training naman..

after nun mga 3:30 na edi diretso na ako dun sa amphi at nakigulo sa frosh party(*feeling frosh pa rin! ahahaha)
actually konti lang din yung mga frosh na pumunta..
pero nakita ko si martin and other s11, so nakisama ako dun sa mga s11 people.. s11 na sophomore ah.. sina aleli, leo, and others (*so feeling s11 din ako! toinks..)
so nakikisali din kami sa mga games, namimigay kasi sila ng mga shirts and payong(*astig nga yung mga pasyong kasi transparent siya.. hehe..)
nakakuha din ata kami ng 3 payong.. hehe.. :P
so yun nagkaroon din ng mga performances yung mga bands and other CAO groups(*wag niyo sabihin hindi niyo pa rin alam yung ibig sabihin ng CAO.. yung mga chorale.. pops orchestra and such) nagkaroon din ng model contest ng mga frosh..


/**************ALMA MATER == BORACAY***********/
so, ito na yung moment.. (*ang dami pangpasikut sikot bago pumunta sa main point ng blog na ito)
anyway,mga 530pm na nun, karamihan umalis na yung mga nanunuod na frosh..
tapos sakto naman medyo umalis na rin sina wil at sina aleli..
ang natira na lang dun is si carlo cabunoc, yung kasama ko sa batch assembly..
eh, wala nga tao at wala na magawa so nagpagame ulit si "kuya" TJ Manotoc, siya yung host that time nung party..
(actually pag me party ata la salle siya parati host especially if it is big parties)

so sabi niya kung sino daw MAKAKANTA ng ALMA MATER song, bibigyan daw ng roundtrip ticket sa boracay..
eh ako super walang hiya ako(i mean hindi ako nahihiya.. ahahaha..) so lapit naman ako sa kanya..
pero pagpunta ko dun, di ko talaga makalimutan yung usapan namin.. parang ganito kasi yun

(*lapit ako sa kanya)
TJ: Whats your name?
Me: Andrew..
TJ: So, Andrew from what school did you came from?
Me: Philippine Christian School of Tomorrow.. hindi siya sikat na school
TJ: ah ok.. PCST..
Me: (*ako naman gulat ako.. naisip ko.. alam niya school ko?!)
TJ: tapos nilayo niya yung mic tapos binulong niya sa kin.. "ACE din ako" (ACE is the name of the curriculum that we are using.. its Accelerated Christian Education..)
TJ: o sige ah kantahin mo yung song two times ah..
Me: yah sure no problem..
... so yun kumanta ako ng dalwang beses.. pumiyok pa nga ako sa second time.. ahahahaha! tapos sabi niya binata na daw ako.. >_<

(pero hindi talaga ako makapaniwala na that super kulit na guy is also an ACE student like me, kasi pagACE student ka, paminsan medyo seryoso type sila.. hmmmm.. sa bagay makulit din ako)

yung una hindi talaga ako nananiniwala na nanalo nga ako.. kasi pagkatapos ko kumanta sabi hintayin ko daw yung ticket kasi kukunin pa daw dun sa SC office.. pero yung nabigay na nga, so ayun its totoo na nga..


BUT MY PROBLEM IS...
nanalo nga ako pero hindi ko naman alam ang gagawin ko dito..
its a roundtrip ticket from manila to caticlan(boracay?) to manila..
pero PANG-ISANG TAO lang!
ano yun magbora ako magisa?!

so naisip ko BENTA ko na lang ito siguro...
the airline is SEAIR(southeast asian airline)
and based dun dun sa brochure nila this ticket(actually, its not a ticket pa.. its a gift certificate) costs P4,500!
tapos ang maganda pa hangang MAY 20 ,2009 yung expiry date nito.. next year pa!
siguro kahit mabenta ko ito ng mga 4k or 3.5k or even 3k payag na ako siguro!

Baka pupunta kayu ng Boracay dyan or baka me kilala kayu na pupunta dun, sabihin niyo sa kin!
siguro ito na talaga yung blessing para makabili na ako ng bagong phone.. kasi the one that im using now is my mom's ol cell na Nokia 3210! wahaha san ka pa! yun nga sira siya ngaun, kaya hindi ko na nagagamit..

anyway, sori super haba na naman ng blog ko at nagsulat ako ng nobela..
pero here are the pics.. yung iba grinab ko sa multiply ni leo
the other pics can also be found sa multiply site ni leo..
http://markleonard.multiply.com/photos/album/16/It_was_a_Friday.

Thursday, June 5, 2008

sa wakas tumunog na ulit ang bell ng dlsu...

nakakainis talaga kanina, kasi ba naman for the nth time nalate na naman ako sa class ko dahil hindi tumutunog yung bell.. tsk tsk.. *wala kasi ako watch eh..

then kanina habang nagclass kami dito(*yeah, its already 8:45pm at nandito pa rin ako sa IST comp lab sa 2nd floor ng SJ) naguusap kami sa class about sa DLSU bell..

nagkwento si miss stef (*INTRIST prof namin, and dating student ng DLSU.. Catch2t6 daw siya) na every december daw nagbabago yung tunog ng bell at every february(valentines)..
kaso yun nga hindi naman namin naabutan.. awwwww.. :)) then sabi pa niya di ba last term, naging dalwang beses uulit yung pagring ng bell..  siguro bingi na daw mga lasallians.. ahahaha! :P nagtaka nga din kami bakit hindi na tumtunog yung bell..

pero yun nga after nagkwento si miss.. after a few minutes.. bigla na nga tumunog! yahoo!  sa wakas! hindi na ako ulit malalate sa class.. (*narinig siguro kami!) ahahahaha! :P

kala niyo ah, malaking tulong kaya yun sa atin.. especially sa kin na walang pakialam sa oras hehe.. :P

*ang weird ko, noh.. bakit ba ako nagblog about this.. bigla kasi siya nagpopout sa mind ko,eh.. sakto wala na ako magawa dito sa lab.. >_<

Tuesday, June 3, 2008

Kakasa ka ba sa Grade 5?!

**saguta niyo ito sobra.. maloloko kayu.. it takes me 1 half day just to reaize the answer to this question.. >_<

ARE YOU SMARTER THAN A FIFTH GRADER?

You need to come up with the correct number to open the attachment. (SEE BELOW)

Good luck with this and have fun! This is a 5th grade math problem. If you can't stand word math problems, just delete now.

If you can open the spreadsheet, you'll see it's a very small list of people who have gotten the correct number. This is not a trick question. This is a real math problem so don't say that a bus has no legs.



- There are 7 girls in a bus.

- Each girl has 7 backpacks.

- In each backpack, there are 7 big cats.

- For every big cat there are 7 little cats.


Question: How many legs are there in the bus?


The number of legs is the password to unlock the Excel sheet. If you open it, add your name and send it on to see who else can unlock it. (See attached file)

 

*i really dont believe na pang grade 5 itong question na ito... @_@


Attachment: Answer Sheet.xls