Tuesday, April 22, 2008

Froshie Days.. (a school-year ender blog)

Tapos na nga ang pagiging froshie namin.. hindi na kami mga forshie, mga sophomores(sophies?!) na!

 

I was looking back sa DLSU planner ko.. and dito ko naalala yung mga pinagagawa ko during this past one year.. especially yung mga significant events na hindi ko makalimutan! J

 

May

Sino naman hindi makakalimot sa LPEP days.. syempre, dito ko nakilala yung mga tao na magiging kasama mo sa hirap at sa ginhawa through out the year.. yup sino pa ba , eh di ang pinakamamahal kong block s20! awwww.. naalala ko dito sumikat yung “indiana jones-mountain-whatever” getup ko.. hehe.. the hat, the brown jacket, with a matching bracelet and necklace with a sabit sabit sa belt on the side.. nyahahaha! :P and naalala ko, ako yung pinakaunang nagtapang na nagsalita sa buong block namin! Hehe..

 

 

 

June

So start na ng term, at naalala ko, mga time na ito ay mga inocente pa kami at mga mababait na bata pa kami.. alam niyo yun.. takot magdala ng kung anong sharp objects, takot kumain sa loob ng class, tapos I tell you sa super bait ng mga bata, wala pa nga nagmumura nun that time…

 

 

Ito rin yung time na pinagluto kami ni miss nats ng salad.. tapos irerelate niya sa computer programming.. di ba san ka pa! s20 naalala niyo ba yun?! Ahahaha!

 

So madami dami ding recruitment week.. at lahat naman sinalihan ko..

Like CAO(cultural arts office)- sali ako sa DLSU Chorale

Sa CSO(Council of Student Organizations)- Sali ako sa LSCS, MooMedia, at iba..

Sa SCReW(Student Council Recruitment week)- yeah TAPAT at SANTUGON.. sinalihan ko parehas!

Sa SPO naman yung sa LaSallian- kaso nagbackout din ako.. ahahaha..

 

July

Frosh Elections naman.. yung time na ito natutuwa pa ako sa mga RTR, pero ngaun hindi na masyado.. ahahaha.. block president namin na si Ken nagrun for LA Rep.. tapos naiinis pa siya nung una bakit hindi ako yung naging block pres, tapos magrun siya bigla.. >_< peace ken! Hehe..

 

Sino rin hindi makakalimot sa UAAP Season 70 game DLSU vs ADMU!!!! Ito yung pinakaunang game na nanuod ng UAAP sa Araneta! Cant really forget this.. ito pa kasi yung pinaka unang game ng DLSU sa ADMU after DLSU suspension sa UAAP.. nyek, kaso talo.. toinks.. *na sa akin pa nga rin yung ticket na Gen Ad ko.. hehe..

 

 

 

August

August 6..LASARE ! la salle recollection.. nakakaloko nga ito kasi hindi naman yata kami nagseryoso nung time na ito.. naalala ko natutulog lang yata kami nung time na ito.. hehe..

 

 

 

 

 

 

 

Ito rin yung hell weeks ng first term.. naku.. the ABC subjects.. Algebra, Basicon, at Compro… ang dami kailangan tapusin na papers , MP tapos finals pa..

 

September

Course Card day grabe.. 2 agad binagsak ko AC.. buti nakapiso ako sa basicon.. hayyy.. first block lunch din ng s20..

 

Isang week na term break,tapos balik aral ulit.. first time maexperience na magonline enrollment and adjustment, dahil me bagsak kami..

 

September 18, ahahaha.. its my bday.. fasting that day.. wala pera kaya tiis walang pagkain.. see bday na bday ko walang pera.. pambihira.. pero sinuprise ako ng block ko kasi binigyan nila ako ng cake! Yehey! Sakto edi me panglunch ako bigla.. *actually hindi ko rin kinain, kasi inuwi ko pa sa bahay.. toinks..

 

 

 

 

September 22, its Denise Debut.. its my first time to attend a debut tapos kasama pa ako bigla sa 18 roses.. nyahaha.. actually, it was a suprise party for her kaya konti lang nainvite..

 

 

 

 

 

 

 

 

September 29, its our first CWTS exposure sa Brgy. Banaba, San Mateo, Rizal.. kahit umuulan tuloy pa rin!

 

October

October 6, Catch2t11 Batch Assembly Team building.. haha.. Andrew Pamorada, your AVP SocioCivic at your service! :P  

 

 

 

 

 

 

 

 

 

October 11, Archer Party.. haha! Champion DLSU sa UAAP Basketball Season 70! from suspension to champions!!!

 

 

 

 

 

 

 

 

November

November 17, 2nd CWTS Exposure sa Banaba!

 

November 19, Catch2t11 Cosplay, ito yata yung pinakaunang major activity ng Catch2t11 BA..

 

 

 

 

 

 

 

November 21, Pasicatchan 07! 2nd place kami sa choir, oh di ba san ka pa… not bad for a first timer..

 

 

 

 

 

 

 

 

December

December 1, FWDANCE presentation.. yeah!

 

December 7, FWDANCE finals daw and Christmas party.. s20 christmas party na rin ito!

 

 

 

 

 

 

 

 

December 15, GK Baseco Christmas Party!

 

Hell week ng 2nd term.. buti nabawi ko lahat ng subjects ko! Accumulated failures back to 0! Tapos DL pa ako.. wheeee!!

 

Hehe 3 weeks na Christmas vacation! Yahoo!

 

January

Ito yung parang pinakadepressing na time sa akin so far.. kasi kung naalala niyo ito yung time na muntikan na hindi ako makapasok sa DLSU.. dahil wala ako pang tuition…thanks God you’re the best..

 

Balik Banaba ulit for our CWTS project implementation.. magulo nung first day.. pero naayos din nung mga susunod na weeks..

 

February

Ang pinakamadugo na month sa DLSU para sa akin.. kung makita niyo lang planner ko sobra.. halos wala na masulatan pa..

 

Pano ba naman ang UWeek! Feb11-15 Grabe! LEAP ko sa GK Baseco, tapos project head pa ako sa EXCITE Exhibit, tapos MooMedia pa na visit sa isang orphanage!

 

 

 

 

 

 

 

 

Then Gayles Debut! Feb 15.. Nandun halos lahat ng s20! Hehe.. 2nd time na attend ko ng debut..

 

 

 

 

 

 

 

Feb 28, pumunta si Jun Lozada sa DLSU.. first ever intentional na nagcut ako ng isang class.. si lozada may kasalanan.. tsk tsk

 

 

 

 

 

 

 

March

General elections naman.. napuno na naman ng RTR sa buong DLSU.. hehe..

 

 

 

 

 

 

 

CWTS last day din.. awwwww…

 

March30-April  1.. ang hindi ko makakalimutang 42 hours na gising dahil sa COMPRO2 MP na yan.. from Mar30 6am hangang April 1 12am.. gising ako.. tsk tskk

 

April

Hell week ng 3rd term.. kinakabahan ako baka me bagsak ako.. thanks to magic of sir rigs and doc mac.. hehe..

 

At ito ako ngayun walang magawa sa bahay.. nakatunganga sa harap ng computer.. dapt pupunta ako sa Pampanga this week kaso bigla hindi ako pinayagan ng papa ko.. kainis sobra.. magpahinga daw ako kasi super ang dami ko na daw ginagawa.. tapos what I do is naglalaro na lang at nanunuod ng movies dito tapos maiinis pa sila bakit ako naglalaro?! Hay nako, anong gusto nila matulog na lang ako buong araw?! Grhhhh…

 

 

 

Anyway, I really thank God na nalagpasan ko itong pagsubok na ito sa aking buhay.. grabe super hirap talaga ng college life.. syempre katulad nga ako na galling sa homeschool environment hindi talaga ako nasanay sa ganitong mga bagay.. I also want to thank all the people that ive been with throughout this one whole year.. syempre s20, CCC, Catch2t11, at lahat lahat na nagsupport sa kin.. babay froshie na nga, and as we face this next school year.. new challenges na naman ang kakaharapin natin lahat! Basta nandyan si God sa tabi there is we can do all things and face these new trials through Christ which strengthens us! See you all next school year! Ingats this rainy summer! >_< Kung me kailangan kayo , nandyan lang parati ako sa Ym, always ready to help you guys hehe..

Monday, April 21, 2008

Montalban 'Wawa' Treking 04/19/08




after ng DVBS sa Grace..
nag"fellowship" kaming dalawa ni Ptr. Kim Hernandez(siya yung nagdidisciple sa kin) sa Montalban,Rizal..
they called this place "Wawa"...
its a century old dam between two mountains.. if im not mistaken its made by the spanish nung 1908..

actually kung napansin niyo yung Downy commercial ngaun(isang banlaw something).. kasama yung place na ito dun...

actually sandali lang kami dito, mga 2 hours nga lang ata..
pero ang saya sobra dito grabe..
super natangal yung stress ko for the past few weeks, especially yung mga school works...

ang nakakatawa lang sa lugar na ito..
1. marami daw kababalaghan dito kagaya ng Bernardo Carpio story. kung napansin niyo yung 1st pic(IMG 165). isang bundok lang talaga daw yan.. tapos hinati daw ni Bernardo Carpiowhich was a giant! wahahaha... basta mahaba story yun, tanong niyo sa mga lola at lolo niyo kung alam nila about dun.. :P

2.another kababalaghan daw is meron nalulunod every year, kasi meron daw naghahablot ng paa na parang sirena something.. haha.. alam mo naman yung mga yun.. mga kwentong matatanda..whatever..

3.hindi lang siya puno ng kababalghan, its also an historical site.. meron kasi mga caves dito.. dito kasi sa mga caves na ito nagtago yung mga katipuneros, and dito daw nila pinunit yung mga sedulas

4.at ang pinakamalupit sa lugar na ito.. it is a treasure hunting site.. nung time kasi ng mga japanese nagtago sila dito ng mga treasures... i.e. mga diamonds and gold bars.. $_$.. mga proofs is like IMG 254/255.. meron nakasulat na japanese word na signage sa may cave sa bundok.. tapos IMG 243/244.. meron daw nakita na goldbar dyan.. tapos IMG215/216.. meron parang arrow nakalagay sa mga rocks pointing daw dun sa treasure... hmmmmm..

kung gusto niyo magvacation dito.. swimming or akyat bundok something sabihin niyo lang sa kin.. malapit lang naman ito sa manila.. mga 1 hour ride nga lang ito from quezon city

super dami ko pics na nakuha.. mga mountains, rivers and whatever na pwede gawing wallpaper kung gusto niyo.. hehe..

GBC DVBS '08 04/17-19/08




yey! ito lang talaga DVBS ministry ko this year..

sa mga hindi nakakaalam..
GBC nga pala means Grace Baptist Church
DVBS naman is Daily Vacation Bible School

kaso super konti ng bata umatend..
halos nasa 15 lang ata..
ineexpect ko talaga mga 50 kids something...

pero kahit konti tuloy pa rin..
i teach the primary class grades 1-3..

the dvbs was 3 days.. from Apri 17-19, 2008
dun na ako natulog sa church kaya 3 araw rin ako hindi nakainternet..wahahaha!

Wednesday, April 16, 2008

Course Card Judgment Day && S20 Block Lunch && Catchibugan 04/16/08




its Course Card Judgment Day!

first stop.. FWTEAMS(Volleyball)
pagdating ko dun, ito sabi ni sir rosal...
Sir Rosal: "Naku.. (sabay turo sa class record niya) ang baba ng scores mo"
Me: "Awwwww"
Sir Rosal: "Wala ka nung last day di ba?"
Me: "Yes sir.. :( kala ko po kasi wala ng pasok that day? >_<"
Sir Rosal: "Di ba DL ka?" *DL>>dean's lister
Me: "Opo"
Sir Rosal: "Pwede na ba sayu 2.0, di ba yun minimum paramakaDL?"
Me: "Sige Sir, bahala na kayu.."
*pagbigay ng course card, 4.0 naman pala...
Me: "Sir naman kinabahan ako sa inyo!"
Sir Rosal: (tawa naman si loko.. ahahahaha)

2nd stop... COMPRO2 >> 1.5.. miss nats bati na talaga tayu kahit binagsak mo ako dati.. :P

3rd stop... CCSTRIG >> 1.5 ...
kinakabahan talaga ako dito kasi ito lang talaga yung subject na baka bumagsak ako.. buti gumana magic ni sir rigs..
sabi pa kasi nung una 8 daw yung bumagsak..
eh pagkarinig ko 8 lang daw yung pumasa!
ahahaha.. kaya kinabahan ako nung una..
i love you sir rigs the best ka talaga! di ba guys?!

4th stop.. NSTP-CWTS2 .. 4.0 nagiisang quatro this term! wheeeee!!!

5th stop and last course card for the day... TREDONE.. 3.5 ahahaha yung una tinatamad talaga ako dito sa class na ito.. ginanahan lang talaga ako bandang huli...

*hayy.. buti na lang hindi ako bumagsak in any of my subject this term.. thank you God sobra! gusto ko rin sana magDl.. pero hindi talaga kaya.. sayang!

then next destination
s20 block lunch sa jollibee..
awww konti lang yung pumnta.. 24 out 41.. hayyyy... talaga bang kinalimutan niyo na ang s20 at nagsasarili na kayu?! honestly, nalulungkot at naasar din ako kasi yung iba sa amin nagsasarili na lang talaga at ayaw na makisama sa amin.. huhu.. i really miss first term kung kelan magkakasama pa tayu lahat...

after ng block lunch, kain ulit sa Catchibugan!
ang dami pagkain kaso konti lang din halos dumating...
kaya kami kami na lang din yung mga kumain...

// mixed emotion talaga this day..
masaya- dahil wala naman ako bagsak, at tapos na yung paghihirap namin

pero more likely nalulungkot ako this day..
1.last day na kaya yung iba lilipat na ng college kaya seldom mo na sila makikita
2. another reason, hindi na talaga ganun kaclose yung buong s20 hindi kagaya nung dati..
3.there are some of my blockmates na ineligible to enroll next term.. naaccumulate nila yung 18 units actually yung iba 19 and 20 pa nga.. T_T

and naiinis din ako!
1.tapos na yung schoolkaya walang gagawin
2.tapos na din yung school kaya walang baon!

wahahaha! guys, kita kita na lang ulit next school year!
or siguro kita kita pagnagsummer class kayu..
baka nasa school din kasi ako this summer because of LPEP and other stuffs.. :P (hindi ako mangugulo ng forsh ah.. baka nandun kasi ako sa LPEP kasi mamigay kami ng stuffs sa LSCS and GK.. naalala niyo ba nung LPEP nung namimigay sila ng mga freebies..)

ingats din this summer vacation!

love you all! <3 :)

LSCS Turnover Party 04/15/08




grabeeeehhh...
two positions in just one day...

that day kasi tambay kang ko sa gox comp lab sa umaga..
eh lunch break kaya tambay muna ako sa sports plaza with mark to..
tapos nakakita ako ng mga flowers and ng hat kaya picture picture..

then diretso sa SC office for GK(Gawad Kalinga)meeting..
and iw as appointed by ate mel(GK Chair>>president) as Vice Chairperson for Externals ng GK DLSU... wooaahh @_@

then diretso sa Bacolod Chicken Inasal at Makati for LSCS(La Salle Computer Society) Turnover party for next school year officers..
dapat5pm start kaso 7pm na nagstart kasi nagkaroon ng accident daw me nabanga ata na aso.. awwww

anyway, a lot officer attended especially yung mga former presidents ng LSCS..
tapos nag share yung mga aalis na na officers and syempre inaanounce na yung bagong execom.. haha! kuya joseph as new president! bagay na bagay! :P
then sinabi na rin yung iba pang execom and executive board and syempre kami na mga avp! i was accepted as AVP SOCIO CIVIC ng LSCS.. waaaahh!

sobrang saya and syempre sarap pagkain.. hehe..

ito yung mga pics na nakuha ko yung iba medyo malabo and halos karaniwan ang daming ibstruction sa mga pics na mga ulo ng sino sino kaya hindi masyado maganda yung mga pics... nyahaha!

Monday, April 14, 2008

The College Cycle

THE COLLEGE CYCLE.


Every New Trimester:

 After First Week:

After Second Week:

Before the Mid-Term Test:

During the Mid-Term Test:

After the Mid-Term Test:

Before the Final Exams:

Once Get to Know the Final Exam Schedule:

7 Days Before the Final Exam:

6 Days Before the Final Exam:

5 Days Before the Final Exam:

4 Days Before the Final Exam:

3 Days Before the Final Exam:

2 Days Before the Final Exam:

1 Day Before the Final Exam:

The Night Before the Final Exam:

1 Hour Before the Final Exam:

During the Final Exam:

Once Walked Out From the Examination Hall:

After the Final Exam, During the Holiday:

//ang dami na nagpost nito kaya nakigaya na lang ako..

haha! stolen from evryone who posted this.. nyahahaha

ganitong ganito talaga ako, saktong sakto... tsk tsk...

ang sarap nga dagdagan.. course card day at nalaman mo na 1.0 ka sa isang subject na hirap na hirap ka...  yeah!

Summer Job Opportunities

bored ka na ba sa bahay at walang magawa?!

naiinis ka na ba dahil wala kang pera ngaun dahil bakasyon ngayun kaya walang baon?

eto na ang solusyon! bagay na bagay sa inyo itong mga summer job oppurtunities na ito!!!


Package 1:
-P5000/hr
-Enchanted Kingdom
-taga tulak ng anchors away

Package 2:
-P7000/day
-Palengke
-taga lista ng noisy

Package 3:
-P800/min
-Star City
-taga hila ng roller coaster

Package 4:
-P900
-Quezon Avenue
-ikaw yung humps

Package 5:
-P5000/hr
-PLDT
-ikaw yung dial tone

Apply na! ^^

// got this from angelo araneta :P