Friday, July 31, 2009

SONA Commonwealth Rally 07/27/09




pinakamalupet na photojournalism shoot ko so far..
so the TLS(The Lasallian) SONA Team went to Commonwealth to cover the rally of the people against SONA..
(TLS SONA Team-aka me, justin, juric, ian, adi, tricia, arik, pepe, jenner...)

me nawalan ng cellphone..
me nasiraan ng Nikon D90..
me nasiraan ng tsinelas..
lahat kami basang sisiw sa ulan..
ako me malaking cut sa "shutter-finger" ko *right pointer finger..
ALL FOR THE SAKE OF PHOTOJOURNALISM..
and bringing the truth and news to the students.. wahahahaha :))

ngaun ko na naexperience yung totoong "GERA" sa photojournalism
as in yung me nagkakagulong pulis at rallista..
matagal ko na talaga hinihintay ito.. :))



nakakakaba nga dahil me 4 daw na kinuyog na mga photgraphers ng mga rallyista, kasi daw parang kala "spy" ata ng government..
pero tuloy pa rin kami..
*hindi ko nakita na kinuyog pero sabi sabi lang.. i think its true.. kasi nabalita din siya sa radio before we went there..

ngaun lang din ako nakakita ng sandamakmak na pulis..
*medyo panget mga ibang pics ko dito kasi super lakas talaga ng ulan..puro droplets yung lenses namin..


me sinunog din na efigy(wahahaha.. hindi ko alam spelling)
at me literally me nasunog din na tao
bigla kasi siya lumapit dun sa efigy, tapos biglang nagliyab pants niya..
kami 3 photogs ng TLS tinitigan na lang namin,
yung ibang photog, hinabol naman yung lalake..
*pero hindi naman namatay, injury lang.. @_@



nandun din si Mr. Zorro
karaniwan daw siya natatagpuan sa UP-Diliman
nakita ko na rin siya sa isang album ng friend ko, pero ngaun ko lang nakita siya na personal..


ito naman PINAKAMALUPET ko na pic that day..
its photojournalism + HISTORY


and some other pics.. :))






LHA @ Cinemalaya 07/25/09




manonood sana kami ng cinemalaya with HS friends kaso sold out lahat ng tickets..
so kain na lang sa dencios + picture taking sa CCP.. :))













Mass for Cory 07/25/09




nagkaroon lang ng biglaang mass for the health of Pres Cory @ PGP Chapel
kaya kami naman me biglaan shoot/cover.. hahaha :))

*wala panget pics.. panget lighting sa PGP chapel.. @_@

iAct on Elections




tinry ko lang sumali dun sa photocontest ng teamcomm..
wala super minadali ko lang kaya TALO..

me concept kasi talaga ako,eh.. kaso hindi ko na nagawa.. hayyyyzzzzz
magpapayellow cab pa naman sana ako kung nanalo ako.. sorry guys.. :))



TindigKabataan Noise Barrage 07/24/09




noise barrage of different students from different schools and sectors..
kahit konti lang sobra tao, tuloy pa rin siya.. ;))







COSCA LOVE Batch14 GenAss 07/24/09




woohoo.. next batch of cosca volunteers.. Batch14 na!

it means one year na rin pala ako since then sa cosca..
as in ang dami super nangyari for the past 1 year..









Friday, July 24, 2009

TeamComm Photo Camp 07/24/09




studio photography tutorial by Mr. Rey Veloira, owner of Studio Digital Arts Photography, sa me makati studio nila..
*syempre organized by TeamComm.. if youre wondering bakita ako na sa teamcomm, nakisaling pusa lang ako.. lol.. >
shift na nga lang kay din ako sa ComArts wahahaha.. :))

ang GALING SOBRA..
i didn't expect na magagawa ko yung mga shots ko dito..
<*walang PP(post-production) itong mga pics.. ahahaha.. alam niyo naman ako i dont edit pics unless minor cropping lang siguro>

yung una mga practice shots lang muna, tapos actual na..
nagoverheat nga yung isa nilang strobe kasi tuloy tuloy yung shots namin.. hahahaha.. natuwa kasi kami lahat..

parang gusto ko na tuloy magshift to studio photography..
alam ko kasi 3rd ata siya sa ranking on photography jobs na malaki kita..
alam ko una advertising tapos weddings.. *uy not sure yun,ah
wahahahaha..















Solar Eclipse FAIL 07/22/09




tinry ko pumunta dun sa MallofAsia kasi meron dun group of astronomers na magkuha ng solar eclipse..

makikigulo sana ako kasi dati nakakuha ako ng Moon shot using their telescopes..

meron silang telescope na pwede me pwede lagyan ng dslr..
kaso pangCANON mount lang daw..
waaaaaaahhh.. discrimination.. huhuhuhu.. ang daya talaga..

yung ibang telescope nila maliliit na eyepiece, kaya hindi ko makuha kasi ang laki ng lens ng camera ko..
talo pa ako ng point and shoot, mas ok pa kuja kaysa sa akin..
papaayos ko na nga yung canon digicam ko..
kaya tuloy ito lang nakuha ko..


tapos natawa lang din ako dun sa mga gears ng ibang photogs..
meron isa na me Canon 400mm 2.8 L lens,


mga P200,000 lang naman na lens
tapos nilalagyan lang ng dragon ball at naruto sticker.. wahahahaha


meron din silang DIY ND8 Filter, kasi super laki ng lens nila, kaso nagtataka lang talaga ako kung anong material ginamit nila dun.. :))

No to ChaCha/ConAss Noise Barrage Part5 07/20/09




5th Noise barrage na..
last na next week sakto SONA ni gloria..

next moday, pupunta mga lasallians from different lasallian schools.
tapos magkakaroon ng human chain/noise barrage/candle lighting..
try ata nila paabutin from south gate to north gate yung human chain..