
grabe,ang dami nangyari ngaung araw na ito..
i woke up mga 7:30am this morning and pag buklat ko ng DLSU planner ko(*yeah i bought the new one), marami pala ako dapat gawin itong araw naito..
ito nakalagay.:
1. SLife Activity Approval Seminar 9:00-11:00am
2. LSCS Java Essentials Workshop 9am-12pm/1pm-4pm
3. Catch2t11 Batch Assembly Meeting 10:30-11:30am
4. FORMDEV Faci Applicants Training 1pm
5. 2401 Frosh Welcoming Party 2:30-5:30pm
@_@
so,agaga ko pumunta sa school mga 830 nandun na ako, pagdating ko dapat dun sa SLife seminar walang tao dun sa room, so punta ako sa SLife office para icheck kung tuloy.. sabi nila wala naman seminar.. (*then i found out paguwi ko dito sa bahay nagtext pala si glecer na hindi tuloy, sira kasi cell ko kaya im using my mom's cell. waaaah)
so nakigulo na nga lang ako dun sa Java tutorial.. more likely mga frosh andun, esp ICTM frosh students taking up INTRPRG, pero meron din mga OBJECTP students katulad ko..
so double purpose na rin yung punta ko dun, bantay ng tutorial at the same time matuto din ng java..
pero ang weird nga, first time ko nagjava.. pero bigla ako nagturo ng konti dun sa tutorial.. (*kala mo naman me alam! ahahaha..)
tapos hindi ko na tinapos yung tutorial diretso na ako sa BA meeting..
then nung hapon yun nga sa FORMDEV faci training naman..
after nun mga 3:30 na edi diretso na ako dun sa amphi at nakigulo sa frosh party(*feeling frosh pa rin! ahahaha)
actually konti lang din yung mga frosh na pumunta..
pero nakita ko si martin and other s11, so nakisama ako dun sa mga s11 people.. s11 na sophomore ah.. sina aleli, leo, and others (*so feeling s11 din ako! toinks..)
so nakikisali din kami sa mga games, namimigay kasi sila ng mga shirts and payong(*astig nga yung mga pasyong kasi transparent siya.. hehe..)
nakakuha din ata kami ng 3 payong.. hehe.. :P
so yun nagkaroon din ng mga performances yung mga bands and other CAO groups(*wag niyo sabihin hindi niyo pa rin alam yung ibig sabihin ng CAO.. yung mga chorale.. pops orchestra and such) nagkaroon din ng model contest ng mga frosh..
/**************ALMA MATER == BORACAY***********/
so, ito na yung moment.. (*ang dami pangpasikut sikot bago pumunta sa main point ng blog na ito)
anyway,mga 530pm na nun, karamihan umalis na yung mga nanunuod na frosh..
tapos sakto naman medyo umalis na rin sina wil at sina aleli..
ang natira na lang dun is si carlo cabunoc, yung kasama ko sa batch assembly..
eh, wala nga tao at wala na magawa so nagpagame ulit si "kuya" TJ Manotoc, siya yung host that time nung party..
(actually pag me party ata la salle siya parati host especially if it is big parties)
so sabi niya kung sino daw MAKAKANTA ng ALMA MATER song, bibigyan daw ng roundtrip ticket sa boracay..
eh ako super walang hiya ako(i mean hindi ako nahihiya.. ahahaha..) so lapit naman ako sa kanya..
pero pagpunta ko dun, di ko talaga makalimutan yung usapan namin.. parang ganito kasi yun
(*lapit ako sa kanya)
TJ: Whats your name?
Me: Andrew..
TJ: So, Andrew from what school did you came from?
Me: Philippine Christian School of Tomorrow.. hindi siya sikat na school
TJ: ah ok.. PCST..
Me: (*ako naman gulat ako.. naisip ko.. alam niya school ko?!)
TJ: tapos nilayo niya yung mic tapos binulong niya sa kin.. "ACE din ako" (ACE is the name of the curriculum that we are using.. its Accelerated Christian Education..)
TJ: o sige ah kantahin mo yung song two times ah..
Me: yah sure no problem..
... so yun kumanta ako ng dalwang beses.. pumiyok pa nga ako sa second time.. ahahahaha! tapos sabi niya binata na daw ako.. >_<
(pero hindi talaga ako makapaniwala na that super kulit na guy is also an ACE student like me, kasi pagACE student ka, paminsan medyo seryoso type sila.. hmmmm.. sa bagay makulit din ako)
yung una hindi talaga ako nananiniwala na nanalo nga ako.. kasi pagkatapos ko kumanta sabi hintayin ko daw yung ticket kasi kukunin pa daw dun sa SC office.. pero yung nabigay na nga, so ayun its totoo na nga..
BUT MY PROBLEM IS...
nanalo nga ako pero hindi ko naman alam ang gagawin ko dito..
its a roundtrip ticket from manila to caticlan(boracay?) to manila..
pero PANG-ISANG TAO lang!
ano yun magbora ako magisa?!
so naisip ko BENTA ko na lang ito siguro...
the airline is SEAIR(southeast asian airline)
and based dun dun sa brochure nila this ticket(actually, its not a ticket pa.. its a gift certificate) costs P4,500!
tapos ang maganda pa hangang MAY 20 ,2009 yung expiry date nito.. next year pa!
siguro kahit mabenta ko ito ng mga 4k or 3.5k or even 3k payag na ako siguro!
Baka pupunta kayu ng Boracay dyan or baka me kilala kayu na pupunta dun, sabihin niyo sa kin!
siguro ito na talaga yung blessing para makabili na ako ng bagong phone.. kasi the one that im using now is my mom's ol cell na Nokia 3210! wahaha san ka pa! yun nga sira siya ngaun, kaya hindi ko na nagagamit..
anyway, sori super haba na naman ng blog ko at nagsulat ako ng nobela..
pero here are the pics.. yung iba grinab ko sa multiply ni leo
the other pics can also be found sa multiply site ni leo..
http://markleonard.multiply.com/photos/album/16/It_was_a_Friday.